Muling nagbabalik si Aaron Macacua, a.k.a Burong, sa panibagong episode ng “Kaya Mo Ba Burs?” serye sa kanyang YouTube channel.
Personal na inalam at ibinahagi ni Burong ang reyalidad sa likod ng buhay ng mga minamahal nating mangangarit.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Burong ang mga manonood sa Gumaca, Quezon Province upang subukan ang kakaibang hamon ng pamumuhay bilang isang mangangarit.
Personal na nakapanayam ni Burong si Tatay Carlito, isa sa mga tanyag na manunuba o mangangarit sa kanilang lugar.
Ang pagngangarit ay isa sa mga pinaka delikadong trabaho sa bansa dahil kailangan akyatin ang mga nagtataasang puno upang makakuha ng patak na nanggagaling sa puso ng niyog.
Taas noong tinanggap ni Burong ang hamon na maging isang mangangarit, sa tulong at gabay ni Tatay Carlito.
Una nitong inaral ang mga pamamaraan ng isang mangangarit upang maiwasan ang hindi inaasahang aksidente sa trabaho.
“‘Pag nakikita ko ‘kung gaano kataas ang inaakyat ni Kuya, mas lalong pumapasok sa utak ko ‘yung kaba!” kwento ni Burong.
Bagamat natatakot si Burong, hindi pa rin ito nagpatinag na masubukan ang nasabing trabaho, dahilan upang mas maintindihan niya ang reyalidad at hirap ng buhay.
Ilang beses din itong nag akyat-baba dahil hindi biro ang hirap ng pag-akyat ng puno ng kawayan.
“Ang sakit sa paa!” aniya.
Nasaksihan din ni Burong ang prosesong pinagdadaanan ng kanilang nakuhang katas mula sa puso ng niyog na gagawing Tuba.
Matapos kumasa sa buwis-buhay na pangangarit, hindi napigilan ni Burong na sumaludo at purihin ang mga manunubang kanyang nakasalamuha.
“Isa sa mga natutunan ko at babaunin ko pag-uwi ay [ang paniniwalang] walang masama sumubok. Kung feeling mo hindi mo kaya gawin ang isang bagay, subukan mo lang!” ani Burong.
Dagdag pa nito: “‘Saludo ako sa mga kagaya ni Tatay Carlito dahil kahit gaano ka-delikado ‘yung trabahong ginagawa nila, paulit-ulit nilang ginagawa ito para sa pamilya nila.”
Ipinahatid naman ng mga manonood ni Burong ang kanilang pagbati at paghanga sa kakaibang content na hatid nito.
@beerms45: “Isa sa favorite ko tong si Burs eh – very underrated! Ganitong vlog yung magandang panoorin, hindi out of touch sa masa, hindi puro luxury o gala, o kaya naman puro yabang kung hindi ay nahi-highlight yung araw araw na normal na gawain ng isang regular na Pilipino.”
@nielbracero2499: “Parang i-Witness na ‘yung vlog mo, Burs! More power sau burs at buong Team Payaman!”
@i7tv538: “‘Yan ang content! Parang dokumentaryo ni Kara David, talagang pinagpaguran!”
Watch the full vlog below:
Sa isa na namang nakakatuwang content na hatid ng Team Payaman mom-and-son duo na sina …
Content Warning: This article includes mentions of mental health struggles and self-harm. Please proceed with…
Hindi napigilan ang excitement ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang kanilang tuwa nang…
Matapos ang nakaraang vlog kung saan muling ginampanan ni Yow Andrada ang karakter na si…
Muling ipinamalas ng ilang Team Payaman members ang kanilang galing sa paglalaro ng Pickleball nang…
Sa pinakabagong episode ng Cool Mom, muling pinahanga ni Viy Cortez-Velasquez ang manonood matapos niyang…
This website uses cookies.