Team Payaman’s Genggeng Proves How Selflessness Returns Blessings Tenfold

Para sa unang episode ng “Kwentuhan sa Veranda” sa YouTube channel ni Pat Velasquez-Gaspar, inimbitahan nito ang Team Payaman member na si Kevin Cancamo o mas kilala bilang si “Genggeng.”

Ang nasabing interview ay umani ng samu’t-saring papuri mula sa netizen dahil sa kabutihang loob na ipinakita ni Genggeng para sa kanyang pamilya, sarili, at sa mga taong nakapaligid sa kanya. 

Helping Team Payaman

Ikinuwento ni Gengeng sa nasabing vlog kung paano siya nagsimula sa pagbebenta sa labas ng subdivision kung saan matatagpuan ang Payamansion 2, kung saan din aniya siya lumaki. 

Bukod sa araw-araw na pagaabang sa kanyang mga iniidolong Team Payaman members, sinikap din ni Genggeng na makatulong sa kanila sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan. Isa na dyan ay ang pamimitas ng mangga para sa noon ay buntis na si Pat, paglilinis ng bahay, at pagtulong sa paglilipat ng mga gamit. 

Ang kanyang kasipagan, magandang intensyon, at respeto sa lahat ng miyembro ng Team Payaman ang siyang naging susi para tuluyang makuha ang tiwala ng grupo, partikular na ni Cong TV, dahilan upang tanggapin din siya nito sa kanilang tahanan.

Giving back to the family

Ayon kay Genggeng, ang unang sweldo na natanggap niya sa Team Payaman ay ibinigay n’yang lahat sa kanyang mga magulang. 

Kwento n’ya, katorse pa lang ay hindi na rin siya naka-asa sa kanyang mga magulang at siya na rin ang nagpa-aral sa sarili sa pamamagitan ng pagsusumikap sa iba’t ibang trabaho gaya ng pagiging construction worker. 

Kung papipiliin sa pag-aaral at trabaho, mas pipiliin daw ni Genggeng na magtrabaho upang mas makatulong sa mga magulang.

“Paano ako makakapunta sa future kung nakikita kong nahihirapan ang pamilya ko,” ani Genggeng. 

“Ganyan s’ya si Geng – instead na i-keep n’ya sa sarili, hindi, shine-share n’ya sa mga kapatid n’ya. Kasi siya ‘yung meron eh, kahit papaano,” dagdag pa ni Pat.

Samantala, nag-iwan naman si Genggeng ng payo sa mga kapwa niya kabataan: magtrabaho hangga’t kaya ngunit huwag pa rin pabayaan ang pag-aaral.

Talaga namang kaabang-abang kung sino pa ang susunod na bisita at makikilalang miyembro ng Team Payaman sa mga susunod na episode ng “Kwentuhan sa Veranda.”

Watch the full vlog here:

viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

11 hours ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

11 hours ago

Zeinab Harake-Parks Treats Bea Borres with Newborn Essentials

Sa ikalawang bahagi ng kaniyang ‘Spoiling Buntis’ YouTube serye, inimbitahan ng vlogger na si Zeinab…

18 hours ago

Step Up Your Streetwear Game with Cong Clothing’s Black Collection Vol. 2

Following the successful wave of the TEAM PYMN Cap Collection, Cong Clothing is back with…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Proudly Share Alona Viela’s Academic Progress

Hindi maitago ang pagkatuwa ng Team Payaman power couple na sina Vien Iligan-Velasquez at Marlon…

2 days ago

This website uses cookies.