4 Malas-Proof Dishes For Chinese New Year From Ninong Ry and Master Hanz

Dahil Chinese New Year na, apat na pang-malakasang panghanda ang hatid ngayon ng ninong ng bayan na si Ninong Ry sa kanyang vlog, kasama ang Feng Shui expert na si Master Hanz Chua, at ng Knorr Real Chinese Soup variants.

Kung hanap mo ay listahan ng mga pampa-swerteng putahe ngayong Chinese New Year, aba, sagot na ng VIYLine Media Group (VMG) ang listahan!

Dragon Soup

Isa sa mga tinaguriang “star of the show” ng Chinese New Year special nina Ninong Ry at Master Hanz ay ang Dragon Soup na gawa sa Crab and Corn soup mixture.

Ayon kay Master Hanz, pinaniniwalaang swerte ang mga putaheng mayroong alimango ngayong taon ng Wooden Dragon dala ng kakayahan nitong maka-sipit ng pera o bagong oportunidad. 

Crab and Corn Shanghai

Sawa ka na ba sa pangkaraniwang Lumpiang Shanghai? Bakit hindi mo palitan ang giniling na baboy ng mais at laman ng alimango para sa kakaibang atake ng iyong paboritong shanghai?

Gaya ng pangkaraniwang Lumpiang Shangai, matapos ibalot sa lumpia wrapper ang ginisang mais at crab meat ay ipi-prito ito sa mainit na mantika. 

Steamed Lapu-Lapu

Bilang karagdagang pampaswerteng handa para sa Chinese New Year, Steamed Lapu-Lapu ang isa sa rekomendasyon ni Ninong Ry.

Bukod dito, isa rin ang Nido Oriental Soup sa swak na swak na ipapares sa Lapu-Lapu na pinalamanan ng luya at spring onions at saka tinimplahan ng toyo at cooking wine.

Birds Nest Noodles

Dahil isa sa paniniwala ng mga Chinese na ang pansit ay pampahaba ng buhay, hindi ito nawala sa mga Chinese New Year Special ni Ninong Ry.

“Noodles for a long life!” ani Master Hanz.

Manok ang ginamit na karne ni Ninong Ry para sa kanyang inihandang pansit na sinamahan ng mga gulay kagaya ng sitsaro, young corn, carrots, bell pepper, paminta, asukal, at oyster sauce. 

Nagdagdag lamang ito ng Chicken and Corn Soup bilang ang kapares ng kanyang pangmalakasang Bird’s Nest Noodles.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.