Philippines’ Top Stand-Up Comedians Invite Cong TV to Their Open Mic Session

Kamakailan lang, inamin ni Cong TV na mayroong isang bagay na matagal na niyang nais subukan at ito ay ang stand up comedy. 

Tila matutupad ni Cong ang pangarap na ito matapos siyang imbitahin mismo ng ilan sa mga tinitingalan stand up comedian sa bansa. Ito na nga kaya ang simula ng stand up comedian era ng legendary YouTube vlogger na si Cong TV?

Team Payaman Unfair

Sa isang vlog unang ibinahagi ni Cong ang kagustuhan niyang sumubok ng isang bagay na hindi pa niya nagagawa noon. 

“Meron akong for the first time in my life gusto kong i-try na bagay. Gusto kong mag stand up comedy,” bungad ng 31-anyos na vlogger. 

Aminado si Cong na mukha lang madali ang pagpapatawa ngunit mahirap ito, lalo na para sa kanya na mahiyain sa personal.

Meron na aniya siyang materyal o script na naisulat at plano itong subukan sa harap ng Team Payaman Fair audience. Dito unang binitawan ni Cong ang kanyang unang materyal tungkol sa mga magnanakaw sa TP Fair.   

“Shout out natin yung magnanakaw baka nandito ulit yon. Boss, nasaan ka? Baka nandito ka ulit ha?” ani Cong noong TP Fair Day 1 sa SMX Convention Center Manila. 

“Baka mamaya grupo na pala sila noh? Team Payaman. Tapos magugulat ka may event na rin sila, Team Payaman Unfair,” dagdag pa nito na siya namang tinawanan ng TP Fair attendees.

Kinagabihan ay mas lumakas ang loob ni Cong nang makakita ng mga komento sa isang TikTok video kung saan tuwang-tuwa sa kanyang binitawang joke. 

Open Mic Session

Samantala, ikinatuwa naman ng ilang batikang stand up comedian ang nasabing vlog ni Cong TV. Sa isang episode ng The Koolpals podcast na pinangungunahan nga mga stand up comedian na sina GB Labrador, Nonong Ballinan, James Caraan, Muman Reyes, at Ryan Rems, ibinahagi nila ang kanilang naging reaksyon sa kagustuhan ni Cong na subukan ang stand up comedy.  

“Nung nakita ko yun, kinilabutan ako,” ani James Caraan.

Dagdag pa ni GB Labrador: “Nagulat ako na gusto nyang mag standup [comedy], tapos napakita yung iba’t-ibang mga comedians, nakasama nga tayo, nakakatuwa.”

Kaya naman, buong puso nilang inimbita si Cong TV na dumalo sa kanilang mga open mic comedy session.

Ang open mic comedy session ay bukas sa mga nagnanais sumubok maging stand up comedian, kung saan maari silang manood lang at obserbahan ang batuhan ng joke, o di kaya ay sumabak sa entablado nang walang halong diskriminasyon. 

Ikinatuwa rin ng mga batikang komedyante ang magandang mensahe ng vlog ni Cong kung saan ipinarating nito ang kanyang respeto sa mga stand up comedians. 

Kath Regio

Recent Posts

Baao Children and Youth Choir Bags Another Win in Spain Chorale Fest

The Bicolano pride, Baao Children and Youth Choir is back in the Philippines after winning…

3 hours ago

Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya…

4 hours ago

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

2 days ago

Catch Viy Cortez on VIYLine’s Mother’s Day Special TikTok Live

Mother’s Day celebration is still not over as Viy Cortez is giving away deals, discounts,…

2 days ago

Clouie Dims and Dudut Lang Join the Fun Fiesta Celebration in Mendez, Cavite

Sa pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims, tampok ang makulay na pagdiriwang ng kapistahan sa…

2 days ago

What Happens to Team Payaman Boys When Their Girls Are Out?

Matapos lumipad ng Team Payaman Girls papuntang Thailand para sa surprise Bridal Shower ni Viy…

2 days ago

This website uses cookies.