Mayor TV Pens Appreciation Poem for Team Payaman Fair

Isang makata at malikhaing tula ang handog ni Mayor TV para sa lahat ng bumubuo ng Team Payaman Fair kung saan siya ay napasama bilang influencer-entrepreneur. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni ng vlogger ang kanyang karanasan sa ika-apat na araw ng TP Fair kung saan isang tula ng pasasalamat din ang handog nito para sa nasabing event. 

Mayor TV at TP Fair

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadalo bilang influencer-entrepreneur si Mayor TV sa Team Payaman Fair Paawer Up na ginanap sa SMX Convention Center Manila noong Disyembre ng nakaraang taon. 

Bitbit ni Mayor TV ang kanyang negosyong Aprubado, kung saan nagbebenta ito ng clothing merchandise na talaga namang tinangkilik ng kanyang mga taga suporta. 

Mula Day 1 hanggang Day 4 ay present ang “mayor ng bayan” upang magbenta at higit sa lahat ay makisamaluha sa mga kapwa nya vloggers at masugid na tagasuporta.  

Team Payaman Fair: Isang Pasasalamat

Hindi rin pinalampas ni Mayor TV ang pagkakataon na pasalamatan ang mga organizers ng Team Payaman Fair, partikular na ang TP Fair Founder na si Viy Cortez, Rolando Cortez (VIYLine General Manager), Ivy Cortez-Ragos (Influencer Coordinator), at si Cong TV. 

Ipinarating ni Mayor TV ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng isang tula na tila buod ng kanyang masayang Team Payaman Fair experience. 

“Team Payaman Fair Paawer Up 2023, isang karanasang dadalhin ko through eternity. Mapalinya at mapasama sa mga idol ko sa vlog, dun pa lang tapos na ‘to, ako’y panalo na agad,” bungad ni Mayor TV. 

“Maayos at masaya ang TP Fair, di maitatanggi. Salamat kay Sir Rolly, Ate Ivy, at kay Viy. Congrats din sa lahat ng tumulong at nag-ambag-ambag, ang TP Fair sana naman masundan agad-agad,” dagdag pa nito.

“Ang Team Payaman Fair ay di tungkol sa kasikatan. Di paramihan ng subscribers, di paingayan ng pangalan. Ang TP Fair ang nagpatunay sa buong mundo na may lugar palang pantay kayo ng idol mo. Salamat, TP Fair.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.