Bagamat ilang linggo na ang nakakalipas nang umuwi mula sa bakasyon si Cong TV, muli itong nagbahagi ng ilang kaganapan sa likod ng nagdaang Japan trip ng buong Team Payaman.
Sa kanyang bagong vlog, sinariwa ni Daddy Cong ang masasayang alaala sa Japan kasama ang kanyang unico hijo na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.
Unang ibinahagi ni Cong TV ang pamamasyal nila ni Kidlay sa Koto Street sakay ang bisikleta.
“Okay, dahil nagmumuryot na siya sa taas, gusto na niyang gumala. Ito ang biking moments ni Kidlat, guys! Kwento ng 32-anyos na YouTube vlogger.
Kitang kita ang pagkamangha ni Kidlat sa mga nakikita nito sa paligid, at halos hindi mabilang kung ilang beses nagsabi ng “wow” habang naglilibot.
Hindi nagtagal ay inantok na si Kidlat at cute na cute na nahimbing sa bisikleta habang namamasyal.
“Nakatulog! Nasarapan sa hangin!” ani Cong TV.
Isinama rin ni Cong ang kanyang manonood sa pamamasyal nila sa Universal Studios Japan sa Osaka. Hindi ito ang unang pagkakataon na bumisita ang kanilang pamilya sa nasabing amusement park.
“Hindi mo ‘to core memory, baka ‘di mo pa ‘to maalala. Pero [para] sakin, pangalawa na natin dito, core memory ni Daddy ‘to!”
Bukod sa paglilibot sa Universal Studios ay nakisaya rin ang mag-ama sa inaabangang parada ng mga sikat na karakter.
Samantala, masaya ring ibinahagi ni Cong TV ang mga pinagdaanan nito upang makapag-uwi ng shark stuffed-toy na napanalunan nito sa isang higanteng claw-machine.
Aniya, umabot ng ¥200,000 o higit P78,600 ang nagastos niya upang sa wakas ay makuha ang stuff toy na masaya nitong inuwi kay Kidlat.
“I’m retiring from this sports forever,” biro pa ni Cong TV na dati nang nakakuha ng papremyo mula sa claw machine para kay Kidlat.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.