Here’s How Pat Velasquez-Gaspar Promotes Self-Love as a First-Time Mom

Ilang buwan matapos manganak ay hindi pa rin nakakalimutan ng first-time mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang pa-aalaga sa sarili.

Alamin ang ilan sa mga payo at hakbanging isinagawa ni Mommy Pat para sa kanyang much-needed pamper day.

New Year, New Hair

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang mga manonood sa kanyang munting self-care day.

Una na nitong ipinagawa ang kanyang buhok kanyang sariling salon na Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng dahil tiwala na ito sa kanyang mga hairstylists.

Achieve na achieve ni Pat ang Light Ash Balayage hair color na bagay na bagay sa kanyang morena skin.

Bago pa man simulan ang pagkulay ng kanyang buhok, minabuti munang alamin ng misis ni Boss Keng ang safety measures bilang isang breastfeeding mom.

Ayon sa kanyang hairstylist na si Jeff, ang mga ginamit na pang-kulay para kay Pat ay dekalidad at ligtas para sa mga breastfeeding moms.  

“‘Yung treatment [is] pang-scalp lang para safe kay baby” ani Jeff.

Dagdag pa nito: “Cosmo care ‘yung ginamit sa kanya. And ‘yung bleach na ginamit sa kanya is yung Matrix. So safe s’ya.”

Nilinaw din ni Pat na nakadepende sa uri at brand ng pangkulay na gagamitin ang magiging epekto nito sa mga breastfeeding moms.

Payo rin nito na sumangguni sa mga expert hair stylists upang mapanatili ang kaligtasan sa pagpapakulay at pagpapaganda ng buhok.

Bukod sa bagong hairstyle, hindi rin pinalampas ni Mommy Pat na ipaayos ang kanyang kilay, magpa-facial at underarm treatment sa PrettyLooks Aesthetic Center.

Treat Yourselves!

Hindi pa natatapos ang taon kaya naman ito na ang sign para i-treat ang inyong sarili sa isang balik-alindog program kasama ang Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng.

‘Wag palampasin ang 50% off promo sa lahat ng hair services ng naturang branch ng Team Gaspar sa Bacoor, Cavite mula December 15-29, 2023!

Para sa iba pang katanungan, bisitahin lang sa official Facebook page ng Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng o bumisita sa kanilang Cavite branch s aUnit 21-22 Plazuela De Molino, Molino Bvld, Bacoor, Cavite.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Dudut Lang Join the Fun Fiesta Celebration in Mendez, Cavite

Sa pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims, tampok ang makulay na pagdiriwang ng kapistahan sa…

22 hours ago

What Happens to Team Payaman Boys When Their Girls Are Out?

Matapos lumipad ng Team Payaman Girls papuntang Thailand para sa surprise Bridal Shower ni Viy…

22 hours ago

Ninong Ry Thanks Childhood Bullies That Made Him Strong Against Online Bashers

Isa ka rin ba sa mga milyun-milyong tagahanga ni Ninong Ry?  Hindi maitatanggi na nakakaaliw…

2 days ago

Alex Gonzaga Impersonates ‘Ms. Rachel’ in Attempt to Impress Niece Polly

Dahil nais na makuha ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang loob ng…

2 days ago

Morena Beauty Studio: Celebrate Filipina Beauty with Viy Cortez

Have you ever dreamed of running a salon that celebrates Filipina beauty? Viy Cortez, your…

3 days ago

LOOK: Team Payaman’s Yow Andrada Stars in GMA’s ‘Pepito Manaloto’

Isa sa mga pinaka-inabangang episode ng longest-running situation-comedy show na Pepito Manaloto ay ang pagbisita…

3 days ago

This website uses cookies.