Sa pagpapatuloy ng Japan travel series ni Kevin Hermosada, sinama naman nito ang kanyang mga manonood sa isang walking tour sa nasabing bansa.
Para sa kanilang ika-apat na araw sa Osaka, Japan, naisipan ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada na pansamantalang humiwalay ng lakad sa Team Payaman upang masulit ang kanilang honeymoon.
Saan naman kaya nakarating ang dalawa sa kanilang kakaibang walking trip?
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang “walking date” nila ng kanyang misis. Imbes na sumakay ng train o ano pa mang klase ng transportasyon, mas pinili ng dalawa na maglakad patungo sa kanilang destinasyon.
Mula sa tinutuluyang bahay, kailangan lumakad ang dalawa ng higit 46-minuto upang marating ang sikat na tourist spot na Osaka Castle.
“Ang sarap naman maglakad! Ngayon ko lang na-enjoy!” ani Mrs. Hermosada.
Ayon kay Kevin, nais nyang masubukan nila ni Abby ang masayang paglalakad sa Japan dahil karaniwan naman itong ginagawa ng mga turista.
Matapos ang higit isang oras na paglalakad ay ligtas nilang narating ang Osaka Castle. Hindi pinalampas ng mag-asawa ang pagkakataon na kumuha ng mga litrato sa magagandang tanawin sa nasabing lugar.
Bagamat bigong makapasok at makapaglibot sa loob ng castle, nag-enjoy naman ang dalawa sa ganda ng view ng kanilang pinuntahan.
“May na-achieve kami in one day, nilakad namin siya. Ang saya kasi yung trip, isa yun sa mga goal naming dalawa.”
Samantala, dahil sa ganda ng ikalawang yugto ng Japan travel series ni Kevin, hindi napigilan ng netizens na purihin ang mahusay na pagkaka-edit ng nasabing vlog.
@rudylynbuque1703: “Love your editing skill kevs! Lupet!”
@jenmarano1447 “Ganda ng kulay. Angas!”
@dianarosepurganan8970: “Kudos sa editor! Grabeee”
️Watch the full vlog below:
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
This website uses cookies.