Viy Cortez Gears up for VIYLine’s Biggest 12.12 Sale for 2023

Excited ka na ba sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up? Pero bago yan, isang maagang pamasko muna ang hatid sa atin ng vlogger-entrepreneur na si Viy Cortez.

Magpapasko na naman mga Viviys kaya naman panahon na ulit para sa mga pangmalakasang giveaway mula sa VIYLine Group of Companies!

12.12 Craze is Real!

Matatandaang umabot sa mahigit 250,000 orders ang naitala ng VIYLine mula sa 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale noong 2022. 

Bukod dito, maraming mga supporters ni Viy Cortez ang maswerteng nag-uwi ng mga bigating papremyo gaya ng Brand New Motorcycle, iPhone 14 Pro Max, Smart TV, at Surprise Cash Vouchers na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P20,000.

Bago ang inaabangang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up ngayong December 27-30, muling magpapaulan ng pang malakasang discount at freebies ang VIYLine para sa 12.12 sale ngayong taon!

Bukod sa bagsak presyong aabot sa 70% off discount, abangan din ang mga pasabog na papremyong inihanda ng VIYLine CEO na si Viy Cortez na tiyak na magmama-merry ng Christmas mo.

Sa kanyang Facebook post, excited na ibinahagi ni Viviys ang mga dapat abangan sa nalalapit na 12.12 sale.

“Sige itodo na natin sa 12.12! Bukod sa up to 70% OFF  mamimigay ako ng MOTOR abangan! Tapos sa Team Payaman Fair kotse naman ang ipapamigay ko at marami pang iba!” ani Viy.

See you, mga Viviys!

Oras na para paghandaan ang bigating 12.12 sale ng VIYLine kasama ang VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare, TP Kids, at Ivy’s Feminity!

Huwag palampasin ang pagkakataong makabili ng inyong paboritong VIYLine items sa murang halaga, at makapag-uwi ng mga bigating papremyo ngayong Pasko!

Ngayon pa lang ay ihanda n’yo ang inyong mga online shopping carts at sabay-sabay na mag-checkout sa darating December 12 sa lahat ng online shopping platforms ng VIYLine gaya ng Shopee, Lazada, at TikTok shop.

See you, mga Viviys!

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

12 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.