Viy Cortez Breaks Record After VIYLine’s 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale!

Matapos ang bente-kwatro oras na TikTok live selling at bagsak presyo sa Shopee at Lazada, isang matagumpay na 12.12 Sale  ang ipinagdiwang ni Viy Cortez. 

Sa kanyang mga Facebook posts, labis-labis ang pasasalamat ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur sa mga sumuporta sa 12.12 Grand Decemberific Freeviys Sale. 

Bukod kasi sa pagbaha ng orders sa VIYLine Cosmetics at TP Kids, nakapagtala rin si Viviys ng ilang “record breaking wins” noong Dec. 12, 2022. 

250k orders!

Libo-libong fans ng Team Payaman ang nag-abang sa mga pasabog ng VIYLine para sa 12.12 Sale. Pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling ay binaha na ng orders ang Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine kahit hindi pa nagsisimula ang live selling session ni Viy Cortez.

Sa loob lang din ng ilang minuto ay na-sold out na ang mga produkto ng VIYLine Cosmetics. Matapos ang araw ay masayang ibinahagi ni Viviys na umabot sa 250,000 ang orders na pumasok sa lahat ng online shopping platforms ng VIYLine. 

“Maraming maraming salamat mga viviy. Sana masaya kayo sa aming regalo. Salamat sa VIYLINE FAMILY! Salamat mahal sa suporta mo simula umpisa! Lord salamat!” ani Viy Cortez sa isang Facebook post

“250k PARCEL in 1 Day! 2M ITEMS SOLD! Nasa iyo ang papuri Panginoon salamat! Congrats po sa lahat ng nanalo,” dagdag pa nito.

Top TikTok Creator and TikTok Shop

But wait, there’s more! Dahil sa pagbuhos ng suporta at orders sa nagdaang 12.12 Grand Decemberific Freeeviys Sale ng VIYLine, may pagkakataong halos hindi na magamit ang TikTok shop dahil sa dagsa ng  pumasok na orders.

“Kaya po mag ‘something went wrong’ kasi super daming order (na) pumapasok,” ani ng isang TikTok representative na ibinahagi ni Viviys ang screenshot sa isang Facebook post.

“Grabe po ang traffic ng tao sa live nyo. Nasisira na nila si TikTok!” dagdag pa nito.  

Bukod dito, noong nagdaang Dec. 12 ay hinirang din si Viy Cortez bilang Top 1 TikTok Creator  at Top 1 TikTok Shop sa bansa! Paawer!

Samantala, sinagot din ni Viviys ang mga tanong ng netizens kung papaano nila idi-dispose ang napakaraming styro beads na ginamit sa “scoop pool” ng nasabing live selling. 

Ayon kay Viy, hindi nila ito susunugin o itatapon lang ng basta-basta. Bagkus magpapagawa sila ng bean bags at doon ilalagay ang mga styro beads sa tulong ng The Furniture Connoisseur

Likes:
0 0
Views:
884
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *