Team Payaman Reacts to Top-Trending KathNiel Breakup

Hindi napigilan ng ilang Team Payaman members na ibahagi ang kanilang emosyon matapos pumutok ang balitang hiwalayan ng on and off screen couple na sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, o mas kilala bilang KathNiel. 

Kagabi ay yumanig ang social media matapos kumpirmahin ng tambalang KathNiel na tinapos na nila ang kanilang higit labing isang taong relasyon. 

Chapter Closed

Sa isang Instagram post, inamin ng 27-anyos na aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang long-time boyfriend, ngunit tinapos naman daw nila ito ng may respeto sa isa’t-isa. 

Sinundan naman ito ng isa pang Instagram post mula kay Daniel, kung saan pinasalamatan naman nito si Kathryn sa labing isang taon nilang pagsasama. Nagpasalamat din ang 28-anyos na aktor sa kanilang mga fans na itinuring na aniya nilang pamilya. 

Team Payaman Reacts

Samantala, hindi naman napigilan ng ilang Team Payaman members na ilabas ang kanilang reaksyon kaugnay sa nasabing hiwalayan. 

Kanya-kaniyang share sa kanilang Instagram Story sina Burong, Vien Iligan-Velasquez, at Clouie Dims ng nasabing Instagram post ni Kathryn Bernardo. Tanging sad at broken heart emoji lang ang naibahagi ng mga ito sa labis na lungkot sa nasabing balita. Ganun din ang naging reaksyon ng VIYLine CEO na si Viy Cortez

Isang Facebook meme naman ang ibinahagi ng Team Payaman editor na si Carlo Santos kung saan sinasabing suspendido ang klase dahil sa paghihiwalay ng KathNiel. 

Pabirong sagot ng kanyang Boss Viviys: “Sige Carlo maghiwalay na din tayo ng landas.” 

“Di muna ako mag eedit sa Dec 1,” hirit naman ng video editor ni Pat Velasquez na si Angel Amaqui. 

Hindi naman pinalampas ng negosyong Burgeran nina Boss Keng at Junnie Boy na magpatawa at iedit ang mukha ng mga ito gaya ng viral social media post. 

Samantala, dahil sa nasabing hiwalayan, muling itinaya ng netizens ang kanilang pusta sa tambalang Cong TV at Viy Cortez dahil sila na lang aniya ang nananatiling matatag ang relasyon. 

Kath Regio

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

6 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

8 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.