Steve Wijayawickrama Reveals Strategies that Helped Him Win Team Payaman’s Fitness Challenge

Matapos tanghaling kampeon sa Team Payaman Fitness Challenge, ibinahagi ni Steve Wijayawickrama ang mga istratehiyang tumulong sa kanya para manalo sa nasabing hamon. 

Upang maibahagi ng mas detalyado ang kanyang fitness journey, minabuti ng Filipino-Sri Lankan vlogger na magkaroon ng “daily vlogs” sa kanyang YouTube channel

The preparation

Numero uno sa game plan ni Steve ang basahin ang librong “Art of War” bilang paghahanda sa pagsabak sa kanyang fitness journey.

Dito humugot ng aral at inspirasyon ang editor-turned-vlogger sa gagawing istratehiya para manalo sa nasabing hamon. 

Isa sa mga naging taktika nito ay ang paniwalain ang mga kapwa kalahok sa Fitness Challenge na hindi siya pursigidong manalo. 

Kaya naman imbes na mag ehersisyo sa Congpound Gym kasama ang ibang Team Payaman, minabuti nitong sa ibang gym gawin ang kaniyang fitness routines at kumuha ng sariling fitness coach. 

“Sabi ko nga sa inyo isa ‘tong gera, and our plan to deceive is on,” ani Steve Wijayawickrama. 

Sunod na naging istratehiya ni Steve ay ang pagkain ng tama sa tulong ng healthy meal provider na Chef on a Diet. 

Bukod dito, nagkaroon din ng istriktong routine si Steve para sa sarili, kung saan gigising ito ng alas singko ng umaga para mag almusal, mag jogging, at mag gym. 

Game face on

Pero ang isa sa naging susi sa quality transformation ni Steve ay ang pag konsulta sa batikang online fitness coach sa bansa na si Coach Poypoy Paule

Si Coach Popoy ang nagturo sa kanya na hindi nito kailangan tanggalin ang kanin sa kanyang diet para lang magbawas ng timbang. Hindi rin aniya nito kailangan mag workout buong araw para makamit ang inaasam na quality transformation.  

“Ayon kay Coach Poypoy, hindi dapat natin gastusin yung lakas natin sa cardio. Kasi ako kailangan kong mag-gain ng muscle, hindi naman ako magfa-fat loss eh, ang ibu-burn ko lang na fat sa tiyan lang,” pagbabahagi ni Steve.

Watch Steve’s daily vlog series below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.