Kumakalat ngayon sa social media ang Facebook video ng isang artist kung saan inilarawan ang inaasahang magiging itsura ni Kidlat makalipas ang sampung taon.
Bukod sa mga netizens, isa rin ang ama ni Kidlat na si Cong TV sa nakapansin sa kakaibang obrang likha ng isang digital artist.
Kamakailan lang ay inilabas ng digital artist, editor, at illustrator na si Ronald Quiñones na mas kilala sa tawag na “Lowcostedit,” ang proseso ng kanyang pag-edit sa imahinasyon nitong magiging wangis ni Kidlat pagtungtong ng sampung taong gulang.
Tampok sa nasabing Facebook page ang iba’t-ibang digital illustration ng mga artista at iba pang photo manipulations.
Isa sa sinubukan nitong iguhit ay ang Team Payaman baby na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. Hinamon nito ang sarili na iguhit ang magiging histura ni Kidlat pagkalipas ng sampung taon.
Sinumulan nito ang pagmamanipula ng litrato sa pag-aayos ng mga facial features ni Kidlat gaya ng kilay, pisngi, labi, buhok, pati na rin ng kanyang mata.
Matapos ang dahan-dahang pag-aayos ng litrato ay matagumpay na nailawaran ng digital artist ang kanyang inaasahang magiging histura ng 10-years-old na si Kidlat.
Matapos mapanood, hindi napigilan ng YouTube vlogger na si Cong TV na ibahagi sa kanyang mga taga-suporta ang napanood na obra.
Cong TV: “Buti na lang mana sakin.”
Bukod dito, ipinadala rin ng mga netizens ang kanilang paghanga sa kakaibang obra at napansing tila hawig ni Kidlat ang pinsan nitong si Mavi.
Sophia Kyrie Gamboa Lavarias: “Igop lodi!”
Hershey Marie R. Olata: “Kamukha ni Mavi”
Michelle Anne Despojo Tibunsay: “Viy Cortez, pogi ni kidlat mi!”
Gem Alexia Doria: “Mana sa ama ang pogi!”
Mary Laborte Galapate: “Ang pogi ni kidlat ka face ni mommy Viy!”
Watch the transformation below:
The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…
Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
This website uses cookies.