LOOK: Here’s How Kidlat Will Look Like in 10 Years

Kumakalat ngayon sa social media ang Facebook video ng isang artist kung saan inilarawan ang inaasahang magiging itsura ni Kidlat makalipas ang sampung taon. 

Bukod sa mga netizens, isa rin ang ama ni Kidlat na si Cong TV sa nakapansin sa kakaibang obrang likha ng isang digital artist. 

Kidlat in 10 Years

Kamakailan lang ay inilabas ng digital artist, editor, at illustrator na si Ronald Quiñones na mas kilala sa tawag na Lowcostedit,ang proseso ng kanyang pag-edit sa imahinasyon nitong magiging wangis ni Kidlat pagtungtong ng sampung taong gulang. 

Tampok sa nasabing Facebook page ang iba’t-ibang digital illustration ng mga artista at iba pang photo manipulations.

Isa sa sinubukan nitong iguhit ay ang Team Payaman baby na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. Hinamon nito ang sarili na iguhit ang magiging histura ni Kidlat pagkalipas ng sampung taon.

Sinumulan nito ang pagmamanipula ng litrato sa pag-aayos ng mga facial features ni Kidlat gaya ng kilay, pisngi, labi, buhok, pati na rin ng kanyang mata.

Matapos ang dahan-dahang pag-aayos ng litrato ay matagumpay na nailawaran ng digital artist ang kanyang inaasahang magiging histura ng 10-years-old na si Kidlat.

Cong TV’s Reaction

Matapos mapanood, hindi napigilan ng YouTube vlogger na si Cong TV na ibahagi sa kanyang mga taga-suporta ang napanood na obra.

Cong TV: “Buti na lang mana sakin.”

Bukod dito, ipinadala rin ng mga netizens ang kanilang paghanga sa kakaibang obra at napansing tila hawig ni Kidlat ang pinsan nitong si Mavi.

Sophia Kyrie Gamboa Lavarias: “Igop lodi!”

Hershey Marie R. Olata: “Kamukha ni Mavi”

Michelle Anne Despojo Tibunsay: “Viy Cortez, pogi ni kidlat mi!”

Gem Alexia Doria: “Mana sa ama ang pogi!”

Mary Laborte Galapate: “Ang pogi ni kidlat ka face ni mommy Viy!”

Watch the transformation below:

Likes:
0 0
Views:
362
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *