Burong Dares Self to a 24-Hour Blindfold Challenge; Shares Learnings and Realizations

Hinamon ni Team Payaman vlogger Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang sarili sa isang 24-hour Blindfold Challenge, kung saan susubukan nito ang mamuhay ng wala ang paningin. 

Ayon kay Burong, naisipan niyang gawin ito upang mabawasan ang pagbababad ng maraming oras sa cellphone. 

Pero bago simulan ang hamon, nilinaw nito na layunin ng naturang hamon at vlog na maranasan ang pang araw-araw na pagsubok ng mga may kapansanan sa paningin at hindi para gawing katatawanan ang kanilang nararanasan.

Struggles

Pinanindigan ni Burong ang nasabing hamon sa pamamagitan ng pagtuloy sa kanyang daily routine habang naka-piring ang mata. 

Noong una ay hindi maiwasan pagkatuwaan ito ng mga kaibigan at mabangga sa paligid, kinailangan din ni Burong ang tulong ng mga tao sa paligid gaya ng kanyang fiance na si Aki Anggulo at mga kaibigan. 

“Ang laking bagay na meron ako nung stick (tungkod), yun yung pinaka nakatulong sakin para ma-navigate ko saka para maramdaman ko kung safe ba yung nilalakaran ko,” ani Burong. 

Samantala, tinawagan din ni Burong si Doc Alvin Francisco upang masiguro kung tama ang kanyang ginagawa at alamin kung may dapat ingatan sa pagtatapos ng hamon na hindi makaka-apekto sa kanyang paningin.

“Kapag tatanggalin mo na yung blindfold, ang advice ko magsimula ka doon sa madilim. ‘Wag mong bibiglain yung mata mo na titingin agad sa maliwanag,” ani ng doctor-vlogger na kaibigan ng Team Payaman. 

Realizations

Sa pagtatapos ng hamon, inamin ni Burong ang mga bagay na natutunan sa pagkawala ng kanyang paningin sa loob ng bente-kwatro oras. 

“Natutunan  ko na mas ma-appreciate yung mga senses na meron ako. Dahil sa araw-araw na pag-navigate ko ng buhay, mas na-realize ko yung importance nila na dapat hindi sila tine-take for granted,” ani Burong.

“Na-realize ko rin na maraming lugar na pwede nating i-improve para mas maging accomodating tayo sa mga taong visually impaired,” dagdag pa ito. 

Samantala, pinuri naman ng netizens ang nasabing vlog at humanga sa mga natutunan ni Burong.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

15 hours ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

15 hours ago

Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow”…

18 hours ago

Boss Keng Shares What It Takes to Be a Motivational Dad

Bukod sa pagiging content creator at mapagmahal na asawa, muling ipinamalas ni Boss Keng ang…

21 hours ago

Team Payaman Girls’ VietnamVIENture Through Vien Iligan-Velasquez’s Lens

Sa likod ng successful prank ng Team Payaman Girls kay Tita Krissy Achino sa gitna…

3 days ago

Get First Dibs on Viyline’s Buy 1 Take 1 Payday Sale Deals

Payday doesn’t only mean you’re getting paid for your hard work, but also spoiling yourself…

4 days ago

This website uses cookies.