Baby Isla Hosted a Congpound Halloween Party and Here’s What Happened

Dahil ito ang kauna-unahang Halloween experience ng panganay nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Baby Isla Patriel, naghanda ito ng munting party sa loob ng Congpound.

Alamin ang mga kaganapan sa likod ng masaya at makulit na Halloween Party na pinagbidahan ng mga cute na cute na chikiting ng Team Payaman!

Congpound Halloween Party

Sa bagong vlog ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar, ipinasilip nito ang inihandang Halloween Party para sa kanyang anak at pamangkin sa Congpound.

“Kaya naman si Isla boy na lang ang nagpa-party. Ininvite namin ang kanyang mga friends, at kanyang mga pinsan. Nag-effort talaga ako, nagpa-party ako para kay Isla,” ani Mommy Pat.

Bilang pakiki-isa sa kauna-unahang Halloween Party ni Baby Isla, nag costume din sina Mommy Pat at Daddy Keng hango sa sikat na Nintendo characters na sina Super Mario, Luigi, at Toad.

Ang nasabing party ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan nina Mommy Pat at Keng, at syempre, ng mga pinsan ni Isla na sina Mavi, Alona Viela, at Kidlat na nagbihis para sa Halloween Party.

Nakiisa ang lahat sa mga pakain, palaro, magic at puppet show, at mga giveaway ng Team Velasquez-Gaspar, dahilan upang mag-enjoy talaga ang mga chikiting.

Netizens’ Reactions

Ipinadala naman ng mga manonood ang kanilang pagkatuwa sa inihandang party nina Mommy Pat at Daddy Keng para kay Isla,

@RicajanRoseannL.Mulato1009: “Happy Halloween Team Payaman! Nakakatuwa lang na makakalakihan ng TP kids ‘yung mga ganitong celebration. Super colorful ng childhood nila.”

@bretheartgregorio1886: “Nakakatuwa ‘yung pwede silang makapag-party sa tapat ng bahay nila ng walang magrereklamo. Nakakatuwa din makita ‘yung new gen ng TP!”

@rizielgarcia3248: “Grabe ang saya naman!! Super effort at enjoy ang mga babis sa Congpound!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

2 hours ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

6 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

This website uses cookies.