#Throwback: Top 4 Unforgettable Moments During the First Team Payaman Fair

Ilang tulog na, Team Payaman Fair Holiday Paawer Up na! May ticket ka na ba?

Para sa nalalapit na Kapaskuhan, isang masayang pagsasama-sama na naman ang hinahanda ng Team Payaman at VIYLine Media Group para sa inyo, ito ay ang pagbabalik ng Team Payaman Fair. 

Pero bago tayo magkita–kita sa darating na December 27-30, 2023, sa SMX Convention Center Manila, atin munang balikan ang ilan sa mga hindi malilimutang kaganapan sa pinakasamaya at pinakamalaking summer fair noong March 2023.

Wild Dogs Pabobohan Challenge

Hindi pinalampas ng Team Payaman Wild Dogs ang pagkakataon na makasalamuha ang Team Payaman fans sa nagdaang Team Payaman Fair.

Kaya naman, sa unang araw pa lang ay pinasaya na nila Cong TV, Junnie Boy, Boss Keng, Yow Andrada, Dudut Lang, at iba pa ang libo-libong dumalo sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Dinala ng TP Wild Dogs ang kanilang trending “Pabobohan Challenge” sa TP Fair kung saan binigyan din ng pagkakataon sumali at manalo ng papremyo ang mga dumalong fans

Michael JacksCong

Sinurpresa naman ng legendary YouTube vlogger na si Cong TV ang nobyang si Viy Cortez at buong TP Fair crowd nang mag-disguise ito ala Michael Jackson. 

Sa kagustuhang makapaglibot sa TP Fair nang hindi nakikilala ng mga tao, nagbihis at nag makeup si Cong bilang Michael Jackson at nag-sayaw pa sa entablado. 

Steve Wijayawickrama Auction

Bukod sa pagbebenta ng merch, isang auction naman ang hinanda ng Sri Lankan vlogger na si Steve Wijayawicktama sa nagdaang TP Fair. 

Pinasubasta nito ang pinakalumang Cong Clothing merch mula kay Cong TV at nakalikom ng tumatanginting na P171,464.55 na binigay naman niya para sa mga cancer patients. 

Wedding Proposal

Samantala, isang maswerteng Team Payaman fan naman ang napagbigyan na gawing mas memorable ang kanyang TP Fair experience nang mag propose ito ng kasal sa kanyang nobya. 

Saksi sina Cong TV, Viy Cortez, at buong Team Payaman nang makuha ng nasabing fan ang matamis na “oo” ng kanyang nobya.

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

20 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.