Para sa pagtatapos ng Fitness Challenge ng Team Payaman, isang bagong hamon ang ikinasa ni Cong TV para sa Wild Dogs.
Pero bago sumabak sa isang malupit na plot twist at binati muna ng 31-anyos na legendary YouTube vlogger ang kanyang mga kaibigan.
“Guys, congratulations! You made it this far!” bati nito sa mga kasamahan.
“Gusto ko lang sabihin sa inyo na proud na proud ako sa inyo at sa mga naabot niyo nitong mga mga nakaraang araw, nakaraang linggo, at nakaraang buwan,” dagdag pa ni Cong.
Sa pinaka aabangang finale ng nasabing challenge, isang malupit na plot twist ang inihanda ni Cong TV para gawing mas kapana-panabik ang hamon.
Sa loob ng apat na araw sumabak sa “Medyo Hell Week” ang mga natitirang kalahok na sina Junnie Boy, Boss Keng, Yow Andrada, Dudut Lang, Mentos, Bok, at Steve Wijayawickrama.
Para sa unang parte ng hamon, pumunta sa isang oval track ang grupo para sa “Takbong Us” na hango sa takbuhan at larong “Among Us.”
Ang bawat kalahok ay bubunot ng card at kung sino ang makakuha ng “Impostor or Killer” card ay magkakaroon ng kapangyarihang tanggalin ang kalahok na nasa likod niya sa karera.
Pagdating sa finish line, magbobotohan ang lahat kung sino sa tingin nila ang nakabunot ng “Impostor or Killer” card.
Kapag tama ang boto ng lahat, matatanggal sa hamon ang impostor, ngunit kung mali ang boto kung sino ang nasa likod ng impostor sa karera ang siyang hindi na makakasali sa susunod na round.
Matapos ang apat round ay naiwan at tinanghal na kampeon ang Sri Lankan vlogger na si Steve at binigyan ng pagkakataong mamili ng kasamahang tatanggalin niya sa nasabing Fitness Challenge ng Team Payaman.
“Hindi ko pipiliin yung strongest or the weakest. Lahat kami naglalaban for fitness at lahat kami pumayat talaga,” ani Steve.
“Siguro pipiliin ko yung sino may pinaka mas maraming pera,” dagdag pa nito.
Sino kaya ang nalaglag sa nasabing round?
Watch the full vlog below:
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…
Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…
Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…
This website uses cookies.