Junnie Boy and Vien Velasquez Showcase Live Selling Skills for Shopee 10.10 Brands Festival

Bukod sa pagiging content creator, endorsers, at negosyante, pinasok na rin ngayon ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang pagiging live seller. 

Sa nagdaang Shopee 10.10 Brands Festival ay ipinamalas ng Team Payaman power couple ang kanilang live selling skills na talaga namang hinangaan ng mga viewers. 

Live Seller Era

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito ang naging live seller raket nila ng asawang si Junnie Boy.

Suot ang kanilang matchy orange and cream outfit, sumabak sa pang malakasang live selling ng Shopee Live ang dalawa. 

“So guys, tignan nyo kung paano magbenta ang mga walanghiya!” biro ni Junnie Boy. 

“Boy, meron akong benta!” pagbati nito sa mga live viewers. 

Sa loob ng higit dalawang oras ay nasubok ang galing sa pagbebenta ng mag-asawang vlogger. Hindi na bago kina Junnie at Vien ang pagiging live seller dahil madalas din magbenta online ang mga ito sa kanilang mga negosyo gaya ng MuyVien Apparel at Giyang Clothing. 

Sari-saring produkto ang kanilang ibinenta gaya ng baby products, laundry products, at maging makeup items na sinubukan pa mismo ni Junnie Boy. 

Naging tagumpay naman ang live selling session ng dalawa na tinapos nila sa pagsasalo sa hapunan.

“So tapos na tayo mag live live live! Grabe naging liveseller pa tayo for tonight, 2 hours din yon ah?” ani Mommy Vien.

Nagpasalamat din ang mga ito sa mga nanood at namili habang sila ay live sa Shopee. 

Family Bonding

Samantala, sa nasabi ring vlog ay ipinasilip ni Vien ang kanilang family bonding bilang selebrasyon sa kaarawan ng kanyang mga kapatid na sina Vianne at Vienna. 

Binigyan din ni Mommy Vien ng quick tour ang kanyang manonood sa Elaren Garden Villa sa Alfonso Cavite kung saan sila namalagi. 

Sinamantala naman ng mag-amang Junnie at Mavi ang pagkakataon na makapag swimming lesson sa pool sa nasabing villa. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

13 hours ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

1 day ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

2 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

3 days ago

This website uses cookies.