Pat Velasquez-Gaspar Shares Glimpse of Baby Isla’s First Hydrotherapy

Simula na ng pagbuo ng mga ala-ala ang Pamilya Gaspar, kaya naman sumabak si Baby Isla sa kanyang unang aktibidad sa labas ng kanilang tahanan.

Samahan ang munting pamilya nina Boss Keng, Pat Gaspar, at Baby Isla sa kauna-unahang hydrotherapy experience ng unico hijo ng pamilya.

Isla’s First Activity

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar ang mga tagpo sa likod ng hydrotherapy ng anak nitong si Isla Patriel Velasquez Gaspar, a.k.a Baby Isla.

Dahil ika-tatlong buwan na ng mini me ng PatEng, naisipan ni Mommy Pat na maghanap ng mga aktibidad na pwedeng gawin ni Baby Isla.

“Naghanap ako ng mga activities na pwede kay Isla Boy kasi gusto ko every month ay mayroon na s’yang mga activities na pupuntahan,” ani ng first-time mom. 

Unang sinubukan ng pamilya ang Hydrotherapy dahil ayon sa kanilang pag-aaral, ang nasabing aktibidad ay nakatutulong sa brain development ng mga bata habang sila ay 0-5 taong gulang pa lamang.

Pagkatapos magbihis, agad sumalang si Baby Isla sa kanyang aktibidad sa tulong ng KIDCo Hydrotherapy Medspa.

Hindi lang si Isla ang natuwa dahil pati ang mga first-time parents ay hindi magkamayaw matapos makitang natutuwa ang kanilang Isla Boy.

“Ito ‘yung first time ni Isla, first time n’ya sa mga mini pool,” kwento ni Mommy Pat.

Laking tuwa rin ni Mommy Pat nang makitang nag-enjoy at hindi umiyak si Isla sa gitna ng kanyang hydrotherapy.

Netizens’ Reactions

Hindi naman napigilan ng mga netizens na ipahatid ang kanilang galak matapos mapanood ang unang aktibidad ni Baby Isla.

Binati rin ng mga ito ang pagiging hands-on parents nina Pat at Boss Keng sa kanilang unang supling.

@rizielgarcia3248: “Napaka hands on talaga ni ate Pat pagdating kay Isla, silang mga TP moms. Kaya naman ang sarap n’yong tignan palagi kayong tatlo!”

@actv7170: “Galing mo, Madam Pat! Napaka hands on mo. Pare-parehas kayo ng TP moms, kakaiba talaga!”

@jeanamposta: “Super hands on ni ate Pat!! So cute Isla boy!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

4 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.