Kevin Hermoda’s Prank to Wife Exposes Abigail Hermosada’s True Personality

Tunay na kulay ni  Abigail Campañano-Hermosada, nabuking nga ba dahil sa prank ng asawa nitong si Kevin Hermosada?

Sa bagong YouTube video ng Team Payaman vlogger at Libre band frontman na si Kevin, ibinahagi nito ang naging reaksyon ng misis sakaling sumuko na ito sa kanyang fitness journey. 

Gift for a Supportive Wife

Bago tuluyang isagawa ang prank, nagtungo muna si Kevin Hermosada sa Mobile Cart PH upang bilhan ng bagong cellphone ang misis. 

Ayon kay Kevin, si Abby ang tumutulong sa kanya sa lahat ng bagay lalo na para sa kanyang fitness journey kaya deserve nito ng pangmalakasang regalo. 

“Sobrang sipag dahil napagsasabay niya ang vlogging, business, at higit sa lahat ang pagiging wife material,” ani Kevin.

The Prank

Sa tulong kapwa vlogger na si Steve Wijayawickrama at ng video editor na si Lee, nag-set up sila ng hidden camera sa kwarto ng mag-asawang Abby at Kevin habang nasa gym ang mga ito. 

Sa kalagitnaan ng pag-eehersisyo, ay todo akting na si Kevin na animoy napapagod na at gusto nang sukuan ang kanyang pagpapapayat. Maya-maya pa ay kunwaring nag walkout ito sa Congpound gym. 

“Kasi parang na-realize ko na walang nangyayari. Kasi parang nasasayangan ako sa effort mo, pati yung mga niluluto mo, ganun,” ani Kevin. 

Sagot naman ni Abby: “Lahat ng bagay dito sa mundo, pinaghihirapan. ‘Wag ka agad susuko. Kaya nga ako nandito. Mag-asawa tayo, ano ka ba? ‘Di ba, pinag-isa na tayo.”

Nang hindi na mapigilan ni Kevin ang emosyon at ipinakita na rin nito ang nakatagong regalo para kay Abby. 

Samantala, hinangaan naman ng netizens ang ipinakitang suporta ni Mrs. Hermosada sa kanyang mister. 

@noeldiojr.1199: “Abby is the perfect definition of a partner.”

@mamajam5993: “Sobrang swerte mo kay Abby  she really loves you and she has a pure heart  naiyak ako.”

@user-fn7en8mv3m: “ang bait at sobrang understanding ng asawa mo boss , wala man lng akong nakitang toxity sa knya. worth it na napangasawa mo sya.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.