Team Payaman’s Mentos Flexes New Set of Smile

Matapos ang ilang taon nang pagtitiis sa kulang-kulang na mga ngipin, napag desisyunan na ng Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a Mentos, na ipaayos ito sa dentista. 

Ano naman kaya ang naging reaksyon ng kanyang mga kaibigan at kapwa Team Payaman members sa bagong itsura ni Mentos?

Dental procedure

“Nakakasawa nang maging bungal! Lagi na lang nila akong inaasar na bungal!” bungad ni Mentos sa kanyang bagong vlog

“Kayo, Team Payaman nilalait niyo ako. Ito ang ganti ng api na binungal-bungal niyo sa loob ng maraming taon,” dagdag pa nito. 

Matatandaang unang nakilala si Mentos sa Team Payaman bilang driver ni Cong TV, at madalas ring pinagkakatuwaan ng mga ito ang kakulangan niya sa ipin. 

Pero ngayong taon ay naisip ng “Haring Bangus” owner na i-improve ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapaayos ng ipin. 

Sa tulong ng Makati Dentist by Apostol Dental, sumailalim si Mentos sa iba’t ibang dental procedure gaya ng teeth cleaning, root canal, at ang paglalagay ng bagong mga ipin na kukumpleto sa kanyang mga ngiti. 

“Sabi ni Doc Jonas (Apostol), ‘alagaan mo yan kasi nakagawa kami ng himala pero hindi na namin kaya ulit!’” biro ni Mentos.

“Namiss ko yung ganitong itsura!” dagdag pa nito. 

Team Payaman’s reaction

Naging masaya naman ang Team Payaman para sa bago at nakakasilaw na mga ngiti ni Mentos. 

“Veneers na? Pero permanent na? Naks naman! Ampute!” ani Boss Keng. 

“Kumpleto na? Pag yan nabulok pa rin, ewan ko na sayo!” biro naman ni Cong TV.

Masaya naman si Burong na naibalik nito ang kumpiyansa sa sarili ni Mentos.

“Masaya ako para sayo, kasi masaya yung mga ngiti mo,” pagbati naman ni Carding

Samantala, ikinatuwa rin ng mga taga suporta ni Mentos ang magandang pagbabago sa kanyang sarili.

@anawatson0142: “Nanibago ako sa bagong itsura ni mentos haha pogi na sheeeeeesh”

@crislagudas434: “Kala ko ngipin lng babalik. Timbang din pala haha lets go mentis”

@badzlife69: “Kinikilig ako para sayo Mentes! Congrats!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

8 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.