Team Payaman Girls Take On 1K Ugbo Food Challenge

Hindi pinalampas ng Team Payaman Girls sa pamumuno ni Clouie Dims ang pagsubok sa kilalang  food bazaar na Ugbo na matatagpuan sa Tondo, Manila.

Minabuti nitong isama ang mga kaibigan sa kanyang Php 1,000 challenge kung saan pagkakasyahin nito ang pera sa kanilang mga kakainin. Nagtagumpay kaya ang mga ito?

TP Girls Goes to Ugbo

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Clouie Dims ang kanyang mga manonood sa pagdayo sa Tondo, Manila kasama sina Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, Jopearl Abad, at Pat Pabingwit

Hindi magkamayaw ang grupo nina Clouie nang makita ang pagkahaba-habang hilera ng mga kainan sa Ugbo. Laking gulat naman ni Tita Krissy nang may kaakibat na hamon pala ang kanilang Ugbo Food Trip.

“Ay, may challenge?” biro nito.

Una nilang sinubukan ang kakaibang sweet corn na puno ng melted cheese na nagkakahalaga ng Php 45 isang baso.

Sunod namang sinubukan ang siomai ala Tondo na nagkakahalaga ng Php 55 ang limang piraso.

Isa sa mga tipid hacks ng TP girls ay naghahati-hati ang mga ito sa bawat pagkaing binibili upang makatipid at maiwasan mabusog agad para masubukan ang iba pang pagkain.

Nang makaramdam ng uhaw, bumili ang mga ito ng Dragonfruit Juice na nagkakahalaga ng Php 60.

Hindi rin pinalampas ng mga ito na masubukang kumain ng Hong Kong Style Fried Noodles na nagkakahalagang Php 40 isang cup.

Laking tuwa ng magkakaibigan nang matikman ang masarap na fried noodles na may halo ng kanilang paboritong mga sauce.

Madami pang sinubukang street foods ang magkakaibigan gaya ng Wagyu Skewers, Japanese Sausage, Rainbow Crepe, Grilled Scallops, Milktea, Inihaw na Tuna Belly, at Chicken Pastil.

Challenge Success!

Nang matapos na sa kanilang food trip, laking tuwa ng Team Payaman Girls nang mapagkasya nila ang kanilang budget habang sila ay nabusog.

Naubos man ang kanilang Php 1,000, nasulit naman ng mga ito ang pagkaing nabili dahil bukod sa abot kaya ang mga pagkain, ay garantisadong masarap ang mga ito.

“Alam n’yo, pwedeng pwede ang Php 1,000 dito. Pero ang advice namin ‘wag nyong ibudget. Kung pupunta kayo dito, ‘wag n’yo nang ibudget, i-all out n’yo,” payo ni Tita Krissy.

Ani Clouie: “Pwede na kayo dito mag dinner, magmerienda kasi 4PM pa lang open na.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reveals His Anbilibabol Team’s Official Jersey

Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…

2 days ago

Makeup Looks We’re Stealing from Vien Iligan-Velasquez

It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Continues to Brew VIYsness at SM City Cabanatuan

After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…

3 days ago

IT’S OFFICIAL: Team Payaman Fair is Coming to Cebu!

It’s official! The biggest influencer event — Team Payaman Fair — is set to bring…

4 days ago

This website uses cookies.