Long Lost Sister? Netizens Poke Fun of Viy Cortez’s Resemblance to Charice Pempengco

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakatuwang post tungkol sa hindi maitatangging pagkakahawig ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez sa dating singing sensation na si Charice Pempengco.

Ano kaya ang naging reaksyon ni Viy Cortez matapos itong maging laman ng isang nakakatuwang social media post.

Charice x Viy

Kamakailan lang, isang post ang nagviral sa Facebook na nagpapakita ng pagkakahawig nina Viy Cortez at Charice Pempengco na ngayo’y kilala na bilang si Jake Zyrus.

Nang makita ang nasabing post, hindi napigilan ng 26-anyos na vlogger na ibahagi ang nasabing “meme” sa kanyang mga taga-suporta.

Libo-libong “HAHA” reacts ang inani ng nasabing Facebook post ni Viviys  matapos sakyan ang trip ng kanyang mga taga-suporta.

“Viy Cortez, tinanggi na s’ya ang nawawalang kapatid ni Charice Pempengco” ani ng nasa viral post.

Pabirong sagot naman ni Viy sa kanyang post: “Magkaboses lang po kami!”

Binigyang linaw naman ng vlogger-entrepreneur na pawang katuwaan lamang ang nasabing post at kailanma’y hindi ito sumalang sa kahit anong interview patungkol dito.

“PS: Fake news po ito ha. Wala po interview na naganap wag po kayo nagpapaniwala hahahahaha” 

Netizens’ Reactions

At syempre, hindi napigilan ng mga taga-suporta ni Viy Cortez na matawa at ipahatid ang kanilang komento sa nasabing katuwaan.

Talaga namang nakita din ng mga ito ang pagkakahawig ng dalawa pagdating sa kanilang mga facial features.

Ericka Nicole Basilio: “Hawig mo nga lods eh…”

Maria Kristina: “The twins!”

Karl Domingo: “Ang galing, akala ko si Jake Zyrus!”

Aira Patingo: “Sample, sample, sample!”

Tonette Uchi: “Miss ko boses mo!”

Ano ang hatol n’yo mga kapitbahay? Talaga nga bang magkahawig si Charice Pempengco at Viy Cortez?  Ipadala na ang inyong hatol sa ating comment section!

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.