Dudut Lang Learns Hitch Driving to Surprise Clouie Dims in Siargao

Muling napa-sana all ang netizens nang ibahagi ni Dudut Lang ang mga tagpo sa kanyang surpresa sa nobyang si Clouie Dims.

Bilang pagsuporta sa bagong negosyo ni Clouie ay lumipad si Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa Siargao upang surpresahin ang nobya.

Angkas training

Bago magtungo ng Siargao ay sumabak muna si Dudut sa pagsasanay na mag maneho ng may angkas sa motorsiklo, naipinasilip nito sa kanyang bagong vlog

Aniya, hirap pa rin siyang magmaneho ng may angkas kaya naman nagpaturo ito sa isang bihasang Angkas rider na si Kuya Bong. Nais din kasi ni Dudut na maiangkas ang nobya kanilang pagbabalik sa Siargao.

Napili ni Dudut si Kuya Bong dahil subok na nito ang kanyang kakayahan sa pag-angkas matapos na niyang ma-book ito bilang Angkas driver.

“Mabigat [si Dudut] pero kayang kaya!” biro ni Kuya Bong.

Maya-maya pa ay nagsimula na sa kanilang road training ang dalawa upang malaman ni Dudut ang mga dapat gawin sa kalsada habang may angkas.

Nagbahagi naman si Kuya Bong ng ilang safety practices na maaring sundin ng mga motorista sa kanilang pagbyahe.

Agad namang sinubukan ni Dudut Lang ang pag-angkas ng pasahero sa kanyang likuran. Laking gulat ni Kuya Bong ang mabilis na natutunan ni Dudut ang mga itinuro nya.

Ang hindi alam ng rider ay may naghihintay ding surpresa si Dudut para sa kanya. Naisipan kasi ng Team Payaman vlogger na maghandog ng munting regalo bilang pasasalamat kay Kuya Bong. 

“Hindi naman pwedeng inabala ko lang s’ya tas wala naman s’yang mapapala sa akin,” ani Dudut.

Sinurpresa ni Dudut ang Angkas rider ng mga bagong safety gears na magagamit nito sa kanyang pamamasada.

Dudut Lang may surprise

Matapos matutong magsakay ng pasahero sa motor, kumasa na sa biglaang flight patungong Siargao si Dudut.

“Mag-oopen si Clouie mamaya ng business n’ya sa Siargao na tinatawag na GotMarked Apparel at gusto ko lang sana ipakita ang aking suporta.” 

Dagdag pa ni Dudut: “Sumunod eh ‘yung makapag-ride kami ni Clouie nang magkasama sa Siargao kasi hindi pa kami sanay na mag-ride dito sa Manila.”

Laking gulat naman ni Clouie nang makita ang nobyo na sumunod sa kanya sa Siargao.

“Bakit ka nandito? Ang galing!” kinikilig na sambit ni Clouie.

Maya maya pa ay sumabak na ang dalawa sa pangarap nilang makapagmotorsiklo nang magkasama habang naglilibot sa Siargao.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

23 hours ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

1 day ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

1 day ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.