TOP TRENDING: Viy Cortez Challenges Team Payaman to an Epic Game Show

Bago muling makasama ang kanilang mga fans sa inaabangang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa Disyembre, sumabak muna sa pang malakasang game show ang buong Team Payaman. 

Pero hindi ordinaryong game show sa telebisyon ang sinalihan ng mga ito, kundi ang bagong pakulo ni Viy Cortez na “The Viylage Show.

Team Congpound

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang lahat ng residente sa bawat bahay sa Congpound kung saan naninirahan ang biggest content creator group sa bansa, ang Team Payaman. 

Sa pangunguna ni VIYLine CEO Viy Cortez, hinamon niya ang mga Team Payaman sa isang matinding laro na susubok sa talas ng isip ng bawat isa. 

Para sa unang episode ng “The Viyllage Show” ay naglaban-laban sa isang game show ang bawat house hold sa Congpound at nahati sa apat na grupo:

  • House G – Ang bahay na pinamumunuan nina Cong TV at Viy Cortez.
  • House A – Ang tinaguriang Content Creator House,
  • House C – Ang tahanan ng Team Giyang (Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez).
  • House E – Ang tirahan ng Boss-Madam Family (Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar).

Ang mechanics ng laro ay simple lang, mayroong limang kategoryang pagpipilian ang mga kalahok. Bawat kategorya ay may kaakibat na limang tanong na mayroon ding katumbas na premyo. Sa bawat tamanong sagot ay makukuha ng grupo ang premyo, ngunit bawat maling sagot ay ibabawas sa kanilang naipong puntos.

Ang grupong makakakuha ng pinaka mababang puntos ay tatanggap ng kaukulang parusa.

Team Payaman Game Show

Sinagot ng bawat grupo ang iba’t-ibang katanungan gaya ng “Sino ang most followed athlete on Instagram?”, “Sino ang dating nakatira sa Team Payaman?”, “Ano ang real name ni Cong TV?”, at marami pang iba. 

Sa huli ay walang nanalo sa bawat grupo at tinaguriang kulelat ang House A sa dami nang maling sagot. Matapang naman nilang tinanggap ang parusa at isa-isang nagpa-wax sa Congpound. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

2 days ago

Catch Viy Cortez on VIYLine’s Mother’s Day Special TikTok Live

Mother’s Day celebration is still not over as Viy Cortez is giving away deals, discounts,…

2 days ago

Clouie Dims and Dudut Lang Join the Fun Fiesta Celebration in Mendez, Cavite

Sa pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims, tampok ang makulay na pagdiriwang ng kapistahan sa…

2 days ago

What Happens to Team Payaman Boys When Their Girls Are Out?

Matapos lumipad ng Team Payaman Girls papuntang Thailand para sa surprise Bridal Shower ni Viy…

2 days ago

Ninong Ry Thanks Childhood Bullies That Made Him Strong Against Online Bashers

Isa ka rin ba sa mga milyun-milyong tagahanga ni Ninong Ry?  Hindi maitatanggi na nakakaaliw…

3 days ago

Alex Gonzaga Impersonates ‘Ms. Rachel’ in Attempt to Impress Niece Polly

Dahil nais na makuha ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang loob ng…

3 days ago

This website uses cookies.