Satisfy Your Sweet Cravings With a Healthy Snack from Tibabi’s Kitchen

Matapos ang masustansyang meal prep, healthy merienda naman ang hatid ngayon ng resident baker ng Team Payaman at misis ni Kevin Hermosada na si Abigail Campañano-Hermosada.

Sabay-sabay natin alamin kung paano gawin ang guilt-free Oatmeal Cookies na pwedeng-pwede mong gayahin sa inyong tahanan!

Healthy Oatmeal Cookies

Dahil isa ang balanced diet sa mahahalagang aspeto sa hinahanap ng “quality transformation” ng Fitness Challenge ng Team Payaman, isang panibagong healthy snacks ang hatid ni TiBabi’s Kitchen owner at baker,  Abigail Campañano-Hermosada.

Oatmeal Cookies inihandang merienda ni Abi hindi lang para sa kanyang asawa, kundi pati na rin sa ibang Team Payaman boys.

Minabuti ni Abi na gumawa ng dalawang klase ng cookies —ang Walnut at Banana Oatmeal Cookies, upang bigyan ng opsyon ang mga kasamahan na mamili base sa kanilang panlasa.

Narito ang listahan ng healthy ingredients na ginamit ni Abi sa nasabing recipe:

Walnut Oatmeal Cookies

  • 1/2 cup coconut oil
  • 3/4 cup coconut sugar
  • 1 whole egg
  • 1/2 tsp baking soda
  • 1/2 tsp cinnamon powder
  • 1 cup Oat flour
  • 1 1/2 cup whole rolled oats
  • 1/2 cup raisins
  • 1/2 cup chopped walnuts

Banana Oatmeal Cookies

  • 3/4 cup oat flour
  • 2 ripe banana
  • 1/4 cup coconut oil
  • 1 whole egg
  • 1 cup whole rolled oats
  • 1/2 cup dark chocolate chips

Ayon kay Abi, kailangan haluhin mabuti ang mga ingredients, bilugin gamit ang ice cream scooper, at saka ipasok na sa loob ng oven na may init na 175C sa loob ng 12 hanggang 14 minuto.

Team Payaman Approved

Agad din namang ipinatikim ni Abi ang kanyang inihandang cookies sa mga kasamahan sa loob ng Congpound.

Hindi naman napigilan ni Cong TV na tikman bagong lutong cookies matapos malamang masustansya ang mga sangkap nito.

“Ang sarap!” paunang reaksyon nito.

Dagdag naman ni Abi: “Oo, masarap. Hindi nakaka-guilty [kainin]!”

Binati rin ni Cong TV ang asawa ni Kevin sa taglay nitong talento sa pagbe-bake ng iba’t-ibang klase ng pastries.

Natuwa rin naman sina Burong at Steve Wijayawickrama sa natikmang Banana Oatmeal Cookies mula sa Ti Babis.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.