Is Burong the Latest Member Eliminated from Team Payaman’s 30-Day Fitness Challenge?

Matapos malaglag nina Carding Magsino at Kevin Hermosada sa 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman, tila may bagong miyembro na mapapasama sa listahan ng mga “eliminated” muna sa hamon. 

Ano kaya ang kwento sa likod ng biglaang pagkatanggal ni Aaron Macacua, a.k.a Burong mula sa nasabing challenge?

Elimination round

Kamakailan lang ay naging kontrobersyal ang elimination para sa Fitness Challenge ni Cong TV sa Team Payaman. Ito ay matapos matanggal sa hamon sina Carding at Kevin sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamataas na nabawas na timbang. 

Paliwanag ni Cong TV, hindi “biggest loser” ang labanan kundi ang pagkakaroon ng quality transformation na hindi nagawa ng dalawa. Ayon sa 31-anyos na vlogger, tila nag crash diet kasi ang dalawa dahilan upang hindi maging kalidad ang kanilang transpormasyon sa kabila ng pagbabawas ng timbang. 

Maluwag namang tinanggap ng dalawa ang kanilang kapalaran at nalinawan din ang netizens sa naging resulta ng elimination. 

3rd eliminated?

Matapos ang weigh in ay may pabirong mungkahi si Burong upang muling mabawasan ang mga kalakahok sa nasabing Fitness Challenge.

“Boss, gawan kaya natin ng plot twist yung content mo, boss?” ani Burong kay Cong TV

“Tanggalan tayo boss, ganun (maiba taya) lang, isa lang matatanggal ngayong gabi,” dagdag pa nito.

Ang “maiba taya” ay kadalasang ginagawa ng mga kabataang Pinoy sa paglalaro kung saan ipinapakita ang kamay ng bawat isa nang nakaharap ang palad sa sahig. Sa hudyat ay muling ibabagsak ang kamay at kung sino ang maiba ang posisyon ng kamay ay matatanggal sa laban. 

Dagdag pa ni Burong pwede rin aniya silang magbotohan kung sino ang tatanggalin sa hamon. Paliwanag ni Burong, magandang ideya ito upang mabawasan ang kanilang kalaban. 

Pero sa gitna ng kwentuhan, tila bumalik kay Burong ang kanyang biro at pabirong binoto ng kanyang mga kasamahan para matanggal sa hamon. 

“Biro-biro lang naman yon!” ani Burong. 

“Walang biro-biro, walo na lang kami (sa challenge),” sagot naman ni Cong TV.

Ano kaya ang magiging desisyon sa posisyon ni Burong sa 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman?

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.