Isa sa mga pinaka-aabangan na okasyon ng Team Payaman fans ay ang kasalang Cong TV at Viy Cortez.
Matapos ang epic proposal ni Cong kay Viy noong Oktubre ng nakaraang taon, iisa lang ang tanong ng taumbayan: Kailan ang kasalan?
Mahigit isang taon na ang nakakalipas mula ang nasabing proposal ngunit nananatiling tahimik ang YouTube power couple sa detalye ng kanilang kasal.
Pero kamakailan lang ay tila aksidenteng naibigay ni Viy Cortez ang ilang mahalagang detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.
Simula nang maging ganap na engaged couple noong October 28, 2022, tahimik lang sa paghahanda para sa kanilang kasal sina Cong TV at Viy Cortez.
Sa kanilang bakasyon sa Japan noong Hunyo ay isinagawa na rin ng magkasintahan ang kanilang pre-wedding photoshoot kasama ang Nice Print Photography at Bob Nicolas Wedding Film.
Inamin din ni Viviys na isa sa dahilan ng pagbabawas niya ng timbang ay ang nalalapit nilang kasal ng kanyang longtime boyfriend at ama ng anak nilang si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.
Samantala, habang nagsasagawa ng livestream sa TikTok kamakailan lang, hindi naiwasan ni Viy Cortez na kiligin nang ibalita na nagbayad na sila ng venue para sa kanilang kasal.
“Sa mga nagpakasal dyan, alam nyo na kapag nagka-venue na kayo, okay na yon. Ibig sabihin madali na lang yung ibang bagay,” kwento ng 26-anyos na vlogger at entrepeneur.
Sa sobrang kilig ay ipinasilip nito ang bahagi ng isang papel kung saan makikita ang mga salitang “Velasquez-Cortez Wedding.”
Pero hindi nakalagpas sa mata ng live viewers ang logo ng hotel na makikita sa nasabing papel, pati na ang petsang nakasulat dito.
“Wala akong pampa-kain sa dalawang libo, ‘wag naman kayong pumunta kung nakita niyo yung details,” biro ni Viy.
“Sorry, gustuhin ko mang pumunta kayong lahat na mga subscribers ko, ang mahal po kasi ng ano… wala po kaming pampakain, mi!” dagdag pa nito.
May hula ba kayo kung kailan ang kasalang Cong at Viy?
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.