Clouie Dims Opens Business Venture in Siargao and Here’s What to Expect

Panibagong negosyo ang pinasok ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims na talaga namang malapit sa kanyang puso bilang isang ganap na “island girl.”

Ito ay ang kanyang business partnership sa kilalang Siargao-based travel operator na GotMarked Tours.  

Siargao-venture ala Clouie

Sa kanyang bagong vlog, dinala ni Clouie Dims ang kanyang mga manonood sa isang mabilisang pag-alis papunta sa Siargao para sa kanyang bagong negosyo.

Bago umalis ng Congpound ay pinabaunan ni Dudut Lang ang kanyang nobya ng isang nakakakilig na mensahe.

“Love, ingat ka ha. Galingan mo ‘dun, love. Congratulations at ‘wag kang titigil!” ani Dudut.

Pagdating sa Siargao ay agad ding ipinaliwanag ni Clouie ang pakay sa pagbisita sa kanyang “paboritong isla.”

“May inumpisahan kaming munting negosyo ni Mark Roa. Ito na nga ang GotMarked Apparel!” pagbibida nito.

Sinumulan ng grupo ang araw sa paglilinis at pag-aayos ng kanilang official store at saka nilagay sa display ang mga damit. 

Ibinida rin ni Clouie na ang mga disenyo ng mga damit na tamang-tama para sa beach-vibe na hatid ng Siargao Island.

Get Marked with GotMarked

Sulitin ang pagbisita sa Siargao Island sa pamamagitan ng pagbili ng clothing items mula sa GotMarked Apparel, at ipakita ang iyong suporta sa likhang Pinoy.

Ang mga disenyo nito ay hango sa nakakahumaling na “beach-vibe” na sa isla ng Siargao mo lang matatagpuan. Pwede rin itong gamitin bilang OOTD sa inyong mga Instagram photos.

Ang GotMarked Apparel ay naghahandog ng mga sumusunod na disenyo:

  • Vibe (Beige)
  • Cloud 9 (Black)
  • IAO (Red)
  • Tribe (Off White)
  • Regular Tee (Black & White)

Ang bawat damit ay may over-sized fitting kung kaya naman tiyak na swak ito kahit kanino. 

Maaaring bumisita sa lokasyon nito sa “G-Shoppe!” na matatagpuan sa Poblacion III, General Luna, Siargao, Surigao del Norte.

Manatiling nakatutok sa kanilang social media accounts gaya ng Facebook at Instagram upang maging updated sa ano mang anunsyo mula sa GotMarked.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

36 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

4 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

4 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.