Bilang selebrasyon sa ikalawang buwan ni Isla Patriel, muling nag-pose sa harap ng camera ang unico hijo nina Team Payaman vlogger Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.
Sa bagong vlog ni Mommy Pat, ipinasilip din ito ang naging paghahanda niya para sa binyag ng kanilang panganay.
Dalawang buwan matapos tagumpay na isilang si Baby Isla, inamin ni Pat Velasquez-Gaspar na nakatuon lang ang kanyang oras para sa kanilang baby boy.
Bagamat gusto raw nitong sabayan sa pagwo-workout ang asawa ay mas nilalaan niya ang oras sa pagpapa-breastfeed kay Isla at pag pump ng breastmilk para dito.
Minsan daw niyang sinubukan na sabayan si Keng sa Congpound Gym kaya naman na-inspire itong mag exercise na rin gaya ng hipag na si Vien Iligan-Velasquez.
Susubukan aniya niyang ikonsulta sa doktor kung hindi ba makaka-apekto sa kanyang milk supply ang pag-eehersisyo.
Sinama naman ng first-time mom ang kanyang 2 million YouTube subscribers sa pamimili ng mga gamit na kakailanganin para sa binyag ni Isla.
Kwento ni Mommy Pat, napag desisyunan nilang pabinyagan na ang anak dahil balak na nila itong isamang mag bakasyon sa ibang bansa.
“Sabi nga nila yung mga pamahiin ng mga matatanda na bago mo ilabas, bago mo igala ay binyagan muna,” paliwanag ni Mommy Pat.
Samantala, sa gitna nag pag shopping ay kumain ang mag-asawa at sinubukan ni Pat na inggitin si Boss Keng sa paborito nitong Halo-Halo
Tagumpay naman si Boss Keng sa pag-iwas sa tukso ng masasarap na pagkain upang maging consistent sa kanyang diet bilang parte ng 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman.
Sa nasabi ring vlog ay ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilang kaganapan sa likod ng second monthly photoshoot ni Isla.
Nag-ala Jon Snow mula sa HBO hit series na Game of Throws si Isla suot ang kanyang faux fur coat at tila nakaupo sa tinaguriang iron throne.
Bagamat aminado si Mommy Pat na medyo challenging na ang photoshoot ngayong 2 months na si Isla ay naging succesful pa rin ito sa tulong ng The Baby Village Studio.
Watch the full vlog below:
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…
Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…
Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…
In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…
Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…
This website uses cookies.