Clouie Dims, Pat Gaspar Walk Down Memory Lane With ‘Tamis ng 90s’ Sweet Treats

White Rabbit, Yakee, Mik-Mik. Natatandaan mo pa ba sila?

Ilan lang yan sa mga pagkaing nagbalik sa tamis ng alaala ng 90’s kina Team Payaman vlogger Pat Velasquez-Gaspar at Clouie Dims. 

Sa bagong YouTube vlog ni Clouie, tila nagbalik tanaw sa nakaraan ang magkaibigan habang nilalasap ang mga patok na candy na nauso noong kanilang kabataan. 

Tamis ng 90’s

Ibinida ni Clouie Dims sa kanyang vlog ang “Tamis ng 90’s,” ang bagong negosyo ng kapatid ni Viy Cortez na si Ivy Cortez-Ragos

Ang “Tamis ng 90’s” ay isang pakete na puno ng masasarap na candy na nauso noong 90’s na talaga namang magpapaalala sa bawat Batang 90’s ng kanilang kabataan. 

Kabilang sa mga candy na nilalaman nito ay ang White Rabbit, Mik-Mik, Yakee, Choc-Nut, Butter Ball, Stay Fresh, at marami pang iba. 

Sabay tinikman nina Pat at Clouie ang mga candy habang binabalikan ang kanilang masasayang alaala noong sila ay mga musmos pa lang. 

“Pag nakakakita ako ng ganito naaalala ko yung street namin, yung mga uhugin, mga laging nag ge-get get aw mala Sex Bomb!” ani Pat Velasquez-Gaspar.

Bukod sa masasarap na candy, binalikan din ng dalawa ang mga paborito nilang laro sa kalsada noong araw.

Mommy Pat Life Update

Kinumusta naman ni Clouie ang bagong panganak na si Pat na higit isang buwan nang ganap na ina kay Baby Isla Patriel. 

“Noong una mahirap talaga. Major adjustment talaga is yung tulog mo,” kwento ni Pat. 

“Yung sinasabi nilang ‘itulog mo na lahat ng itutulog mo dahil pagdating ni Isla boy, wala ka ng tulog.’ That’s so true!” dagdag pa nito. 

Sa kabila ng puyat at pagod ay na-eenjoy naman daw ni Mommy Pat ang pagiging ina. Masaya rin aniya ito na isang buwan na ang kanilang unico hijo ng asawang si Boss Keng

Samantala, kwento naman ni Clouie madalas nilang dinadalaw at kinukumusta si Pat dahil ramdam nila ang hirap ng pinagdadaanan ng kaibigang first-time mom.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.