Sa kauna-unahang pagkakataon, sumabak ang unico hijo nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Baby Isla Patriel sa kanyang unang photoshoot.
As a proud mom, ipinasilip ni Pat ang ilan sa mga tagpo mula sa pag-aayos at paghahanda para sa nasabing milestone shoot ng kanilang anak.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar ang ilan sa mga behind-the-scenes ng nagdaang photoshoot ni Baby Isla.
Gaya ng pamangkin na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, ipinagkatiwala nito sa The Baby Village Studio ang monthly photoshoots ng kanyang panganay.
“At syempre ang kanyang theme, syempre ano pa ba? Island boy!” bungad ng excited na ina.
Hindi naman nahirapan ang The Baby Village sa pag-aayos at pagpapatulog kay Baby Isla dahilan upang maging maganda ang mga resulta ng mga litrato.
“Siguro next theme nito, motor naman!” ani Mommy Pat.
Nang makatulog, agad na sinabak sa photoshoot si Baby Isla suot ang iba’t-iba pang costume na pasok sa tema ng kanyang first photoshoot.
At syempre, inulan ng mga cute na komento ang nasabing vlog ni Mommy Pat dala ng dahil sa angking kagwapuhan ni Baby isla.
@JhenrieLo: “Cute naman ni Isla!”
@ashleymilanes6842: “Ang cute naman ni baby Isla!”
@ReamaecolagoMandalisan: “Ang laki na ni isla boy, I’m so happy for you ate Pat!”
Samantala, ibinahagi rin ni Mommy Pat ng litrato kasama si Baby Isla sa likod ng kanilang successful monthly shoot.
Pat Velasquez-Gaspar: “1 month ka palang nagiging emotional na ang mama kasi malapit na matapos newborn stage mo. Kaya naman puno na gallery ko ng pics mo kasi doon ka nalang maffreeze yung moments natin.”
Dagdagp pa nito: “Oa mom, 1 month palang anak mo huuyy bat parang magaasawa na. Haha I love you, islooooveee. @islapatriel”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.