Cong TV, Viy Cortez Moto Vlogging Contents Trends Back-to-Back on YouTube

Muling pinatunayan nina Cong TV at Viy Cortez na sila pa ring ang hari at reyna ng YouTube Philippines! Ito ay matapos ang back-to-back top trending ng kanilang latest vlogs na may kinalaman sa kanilang bagong bonding, ang pagmomotorsiklo. 

Matapos surpresahin ng 26-anyos na vlogger at VIYLine CEO ang kanyang longtime boyfriend, sabay nang nagsanay ang soon-to-wed couple para mapanatiling ligtas ang kanilang mga biyahe.

Meet Blackie

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, ipinakilala nito ang kanyang bagong kaagapay sa pagmomotorsiklo, si Blackie. Ang bagong motor ay isang all-black Honda Rebel 1100 na ipinakilala bilang kapatid ng kanyang Kawasaki Ninja 400. 

Sa oras ng pagsulat ng balitang ito ay pumalo na sa higit 1.3 million ang views ng nasabing vlog ni Viviys na agad sumampa sa Top 2 Trending sa YouTube Philippines higit 15-oras matapos itong i-upload.

Sa nasabing vlog, ipinakita rin ni Viy ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ito upang mag ride kasama si Cong TV at Junnie Boy. 

“Sobrang saya kagabi, Greenie! Nailabas na rin kita, nakaka tambike na rin kami! Gusto mo pa ng kapatid?” ani Viy Cortez. 

Group Management Riding Course

Samantala, Top 1 Trending naman sa YouTube Philippines ang latest vlog ni Cong TV na pumalo na sa 2.2 million views.

Dito namanipinakita ni Cong ang pagsasailalim ng Team Payaman Moto Club sa dibdibang Group Management Riding Course. 

Dinala ng 31-anyos na batikang vlogger ang buong grupo sa Motorclyde Training Center sa Batangas upang pag-aralan ang iba’t-ibang riding techniques at pagpapanatili ng kaligtasan sa tuwing bumabiyahe kasama ang malaking grupo. 

“Imposible ang ‘ride safe’ kung hindi niyo alam ang ride safety. Masayang mag motor, oo, pero delikado rin ito,” ani Cong TV.  

Ayon kay Cong, nagpasiya siyang mag enrol sa nasabing riding course upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga bagong lady rider sa kanilang grupo na sila Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar. 

Watch Cong and Viy’s trending vlogs below:

viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Julia Montes Form an Unexpected Friendship

Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…

13 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Turns Her Kids’ Drawings Into 3D Creations With Bambu Lab

Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…

2 days ago

Boss Keng’s Alfonso Siklab Hailed as MPPT Champs

Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…

2 days ago

Team Payaman’s Bok Shares First Pickleball Sessions in Latest Vlog

Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…

2 days ago

One Fair, One Vision: Team Payaman Fair 2026 Brings Exhibitors Together For A Day Of Preparation And Collaboration

With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…

3 days ago

CIELO’s Clear Jello Blush Makes a Comeback With a New Bestie This December

CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…

3 days ago

This website uses cookies.