WOW: Pinoy Artist Handcrafted Jaw-Dropping Portraits for Team Payaman

Kakaibang regalo ang hatid ng isang Team Payaman fan mula sa Bulacan para sa kanyang mga idolo mula sa pinakamalaking grupo ng content creators sabansa, ang Team Payaman.

Alamin ang kwento at inspirasyon sa likod ng maka-agaw pansing obra at talento ng isang Team Payaman fan.

Tribute to Team Payaman

Kamakailan lang, sumikat ang Facebook post ng Team Payaman supporter na si Harry Delos Santos na nagmula pa sa probinsya ng Bulacan.

Personal na nakapanayam ng VIYLine Media Group (VMG) ang solid Team Payaman fan at masayang ibinahagi ang kwento sa likod ng kanyang mga obra.

Bata pa lang ay nagsisimula nang gumuhit si Harry, at noong nakaraang taon naman sinumulan nito ang kanyang misyon na iguhit ang lahat ng miyembro ng Team Payaman. 

Ayon kay Harry, isa sa mga rason ng kanyang pagguhit ay “Pakiramdam ko na sakin na s’ya [talento] eh. Ang saya ko pag nakikita kong unti-unti nabubuo drawing ko. Satisfying para sa akin.” 

Buong puso rin nito ibinahagi sa VMG ang kanyang intensyon sa pagguhit ng kanyang mga iniidolong YouTube content creators.

“Napanood ko na si Cong mga 2016 pero ‘di pa ako fan kasi ‘di ako mahilig manood sa YouTube. Nitong 2020 lang ako naging fan.”

Dagdag pa nito: “Kaya ko napili ang Team Payaman kasi hilig ko mag-drawing ng idols or mga taong gusto ko. Kaya naisip ko i-drawing ko kaya si Cong pagkatapos non, naisip ko na bakit hindi na lang silang lahat?” 

Kwento pa ni Harry,  sinimulan niya ang pagguhit sa Team Payaman members noon Abril ng nakaraang taon. Patuloy pa ring iginuguhit ni Harry ang iba pang mga miyembro gaya ng Team Payaman babies na sina Isla Patriel at Alona Viela.

Nais din aniyang personal na maiabot ang mga obra sa bawat miyembro ng Team Payaman upang personal ding makausap ang mga ito.

“Pero sana ngayon maabot ko na sa kanila mismo isa-isa, wala naman ako plano ibenta ‘to. Kahit ang halaga lang nito ay isang selfie, masaya na ‘ko kasi worth it ang pagod ko ng ilang taon.”

Ibinahagi rin ng talentadong Team Payaman supporter na bukas ito sa paggawa ng arts commission. Sa mga intersado, maaari magpadala ng mensahe kay Harry Delos Santos sa kanyang official social media accounts sa Facebook: Harry Delos Santos at Instagram: padayon_1997.

“May YouTube ‘din pala ako, [Harry Delos Santos], subscribe na din kayo, baka lang trip n’yo!” biro n’ya.

Netizens’ Reactions

Samantala, libo-libo na ang nakapansin ng mga obra ni Harry matapos nitong ipost ang mga artworks sa social media.

Inulan ito ng mga positibong komento mula sa kanyang mga kapwa artists at ilang Team Payaman fans na labis na humanga sa kanyang talento.

Erica Recto-Bongay: “Grabe, [ang] galing!”

Kenneth Jay Mapalad: “Keep up the good work!”

Paul John Simbulan: “Dalhin mo na sa TP Fair idol!”

At syempre, nakarating din sa ilang Team Payaman members ang mga iginuhit ni Harry partikular na kina Viy Cortez at Pat Velasquez-Gaspar na laking tuwa sa munting regalo ng kanilang taga-suporta.

Pat Velasquez-Gaspar: “Grabe, ang saya magawan ng portrait! I feel so special!”

Viy Cortez: “OMG!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

24 hours ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 day ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

1 day ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

5 days ago

This website uses cookies.