Future Dentist DaTwo Examines Cong TV’s Dental Health

Para sa kanyang pagbabalik vlogging, isang bagong persona ang ipinakilala ni Marvin Velasquez, a.k.a DaTwo, sa kanyang mga manonood dala ang kanyang mga natutunan sa larangan ng dentistry.

Isang hindi malilimutang tagpo kasama ang Team Payaman boys ang hatid ni DaTwo sa kanyang bagong vlog.

DaTooth the Dentist

Sa kanyang bagong vlog, ipinakilala ni DaTwo ang persona nitong si DaTooth – isang dentista na naglalayong bigyang pansin ang lumalalang dental problems  ng mga kaibigan sa Congpound.

“Tonight, we will conquer cavities. Because this house is a mouthful of halitosis. To stop the gingivitis, I had my studies. We can stop this endemic by the help of me, yours truly, DaTooth the dentist,” biro ni DaTwo.

Nilinaw naman ng future dentist ng Team Payaman na biruan lamang ang mga nilalaman ng kanyang bagong vlog.

DaTooth’s First Client

Una nitong naging pasyente sa Congpound ay ang pinsan nitong si Cong TV na agad n’yang nilapitan para sa inisyal na dental check-up. 

Paglapit pa lang ni DaTooth kay Cong TV at sa mga kaibigan nito ay hindi na maganda ang naging engkwentro ng dalawang panig.

“Ano ‘yan? Wala ka bang clinic? Parang madumi pa ‘to ah! Ilang pasyente mo na ba ginamit ‘to?” biro ni Cong. 

Taas noo pa ring hinarap ni DaTooth ang mga patutsada ng Team Payaman Wild Dogs at patuloy nitong sinakyan ang trip ng mga kasamahan.

“Hindi ko alam na ganito pala dito!” ani DaTwo.

Nang tuluyan nang pumayag, ninais ni DaTooth na makuha ang dental history ni Cong, ngunit hindi naging madali ito para sa kanya.

Paliwanag ni DaTooth, mahalagang makuha ang medical history ng isang pasyente upang malaman ng dentista ang mga maaaring maging sagabal o dapat tandaan bago ito gumawa ng bagong treatment plan.

Maya maya pa ay tuluyan nang sinuri ni DaTooth ang ngipin ni Cong TV at napagtantong kinakailangan nitong sumailalim sa isang dental procedure.

Ani DaTooth: “Sir, candidate po ‘yung ngipin n’yo [for] oral rehab.”

“Parang sinasabe adik ngipin mo!” biro ni Junnie Boy

Dito na tuluyang naluha si Cong TV.

“‘Bat nasasaktan ka? Sinabihang rerehab, nasaktan si tropa” biro ni Boss Keng.

“Ang galing artista na ‘to!” dagdag ni Boss Keng.

Sa huli, tinanong ni Junnie Boy kung magkano nga ba ang gagastusin ng kapatid nito sa lahat ng gagawin sa kanyang ngipin.

“Mababa na po ‘to Sir ah, motor na lang sir,” pabirong sagot ni DaTwo.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.