Hindi napigilan ni Coach Dashi Watanabe na purihin ang riding skills ng first-time lady rider na si Viy Cortez.
Matatandaang si Coach Dashi ng Watanabe Riding Development (Riding School) ang personal na nagturo kay Viy Cortez na magmotorsiklo. Sa tulong din ng Team Payaman vlogger na si Adam Navea, naisakatuparan ang misyon ni Viviys na masurpresa si Cong TV.
Umani ng papuri sa social media ang Team Payaman members na sina Adam Navea at Michael Magnata, a.k.a Mentos, matapos magsilbing kasabwat ni Viy Cortez sa kanyang surpresa para kay Cong TV.
Sa bagong vlog ni Adam Navea, ibinahagi nito ang mga naging paghahanda para sa pagdating ni Lady Rider Greenie Warrior #14.
Inamin ni Adam na hindi naging madali ang kanilang misyon dahil personal umano siyang kinakabahan para sa kaligtasan ni Viy.
“Natatakot ako baka kung ano mangyari kay Viviys, baka madali tayo kay Bossing, [baka] sabihin kung ano mga pinagtuturo ko!” aniya.
Mula sa pag-eensayo hanggang sa pagbili ng motorsiklo at safety gears, game na game sinamahan ni Adam si Viviys.
Sa isang Facebook post, ibinida pa ni Viy ang nakakatawang tagpo sa kanilang pagbili ng motorsiklo.
“Trivia lang, sa sobrang pagtatago ko pati si greenie naka pangalan ang orcr kay kuya Adam Navea Aj wahahahahahahha. Pagkapili ko ng motor umalis agad ako sila kuya na nag asikaso lahat hahahahahaha” kwento nito.
Dagdag pa ni Viy: “Siya din nag uwi nasa bahay nila pati mga gears ko.”
Ikinatuwa naman ng netizens ang pagtulong ni Adam kay Viy, dahilan upang ulanin ito ng mga nakakatuwang mensahe.
@dianadionzon4171: “Kuya Adam, salute sayo! Talagang nag pa ka KUYA ka kay VIVIYS. Kayo ni Mentos. Having you as a friend grabeeee, such a blessing. Effort mo pa lang hindi na matutumbasan ni viviys.”
@jonadelramos8495: “Since then talaga, lalo na sa mga vlogs ni Boss Keng, kitang-kita talaga ang kabutihang loob ni kuya Adam. Hindi ko lang ma recall na ayos, pero s’ya yata nag sabi kay Boss Keng and Pat na i-explan sa mga bata kung anong nangyayari, which is yun nga na ni reveal ni Pat na pregnant s’ya. More power kuya Adam. Such a good person!”
Tagumpay na natutunan ni Viy Cortez ang pagmomotorsiklo sa loob lang ng apat na araw sa tulong ng cycling enthusiast at Philippine Superbiker Champion na si Coach Dashi Watanabe.
Sa nasabing vlog, ibinahagi ni Coach Dashi ang kanyang mga napansing pagbabago sa pagmomotorsiklo ni Viviys.
“Malaki ang improvement from [a person na] wala talagang experience mag-bike. ‘Yan talaga ang pinakamalaking challenge tapos isa pa ‘yung weather!” bungad nito.
Pagmamalaki naman ni Viy: “Umuulan! ‘Yung una, pangalawa, makikita n’yo sa video. Lahat umuulan!”
“Ang ma-aadvice ko sa’yo, ‘yung posisyon mo ngayon, alagaan mo na kasi andito na ako!” dagdag na biro ni Viy.
Sa isa ring Facebook post, ipinahatid ni Coach Dashi ang kanyang pagbati sa kanyang estudyante at kaibigang si Viy.
“Congrats sa student ko The Lady Rider Greenie Warrior #14!” ani Coach Dashi.
Dagdag pa ito: “From Ohvale minigp bikes sa small track to 400cc bikes sa Clark Speedway big track in 3days at kahit umuulan bagyo tuloy padin sa training para matuto siya magmotor at matuloy yung surprise para kay Cong. Thank you and congrats din sa buong team!”
Watch the full vlog below:
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims…
In less than two weeks, the third leg of the Team Payaman Fair will finally…
Isa sa mga hindi malilimutang “era” ng solid Team Payaman fans ay ang taong 2020,…
Inimbita ni Douglas Brocklehurst, a.k.a. DougBrock sa kanyang bagong sit-down podcast episode ang musician at…
This website uses cookies.