Abigail Campañano-Hermosada Treats Congpound Housemates with Pandesal for Merienda

Isa sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng housemate na marunong magluto ay siguradong masarap ang pagkain sa bahay. Iyan ang napatunayan ng mga Team Payaman member na naninirahan sa Content Creator House sa Congpound. 

Hatid kasi ngayon ng resident baker ng grupo na si Abigail Campañano-Hermosada ang pambansang almusal ng Pilipinas, pero ginawang merienda ng Team Payaman, ang pandesal. 

Pandesal for TP

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Abi ang kanyang mga manonood sa paggawa ng merienda para sa mga kasamahan sa Content Creator House.

“Tagal tagal ko na kasing nag-crave sa pandesal, gustong gusto ko na gumawa!” bungad nito.

Walang paligoy-ligoy na ibinahagi ni Abi ang mga sangkap sa paggawa ng pandesal mula sa harina, gatas, butter, instant dry yeast, itlog, tubig, at asukal.

Unang pinagsama-sama ni Abi ang mga sangkap saka hinalo ang mga ito gamit ang kanyang mixer hanggang sa magkaroon na ito ng hulma.

Pagtapos haluin sa mixer ay binuo na ni Abi ang masa ng tinapay at pansamantalang itinabi sa loob ng isang oras upang mas maging maayos ang tekstura nito.

Maya maya pa ay isa-isa nang minolde ni Abi ang mga pandesal. Hindi na aniya niya ito nilagyan ng flavoring upang ang mga kakain ay makapamili ng ipapalaman sa tinapay. 

Merienda Part 2

Bukod sa pandesal, nais din ni Abi na maghanda ng hot chocolate na swak sa malamig na panahon.

Imbes na instant hot chocolate ay nagtunaw si Abi ng tablea chocolate sa mainit na tubig. Ang nasabing tsokolate ay galing pa aniya sa Pangasinan kung saan binisita ni Abi ang kanyang mga kamag-anak.

“I think it’s a perfect combination para sa ating pandesal!” aniya.

Matapos magtimpla ng hot chocolate, isinalang na ni Abi ang mga pandesal sa loob ng 12-15 minutes na ikinasabik naman ng kanyang mga kasamahan sa bahay.

Nagkusa na rin si Dudut Lang na magprito ng itlog upang ipares sa mainit na pandesal na gawa ni Abi. 

Dala ng pagkasabik, si Yow Andrada na ang kumuha ng pandesal mula sa kanilang oven upang matikman na kaagad ito.

“Parang gusto n’yong nagcocontent ako ah?” tanong ni Abi.

Sagot naman ni Carding: “Oo, tuloy mo lang ‘yang pagva-vlog!”

“Ano kasi tayo dito, grind season. Ang gusto namin makita, si Ate Abi araw-araw nagbe-bake!” biro naman ni Steve.

Tuwang tuwa ang TP housemates sa kanilang pangmalakasang meryenda hatid ng Tibabi’s Kitchen!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

8 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

13 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.