Get a Glimpse of Cong TV and Viy Cortez’s Japan Prenup Photoshoot

Para sa ikalawang yugto ng Japan travel series ng nag-iisang Cong TV, masayang ibinahagi nito ang ilang sa mga kaganapan sa likod ng prenup shoot nila ng fiance na si Viy Cortez. 

Matapos mamasyal sa Osaka, dumiretso naman si Cong, Viy, at Kidlat sa Tokyo para sa pinaka-aabangang pre-wedding photoshoot ng YouTube power couple. 

Prenup in Japan

Unang nagtungo ang buong team sa world-famous Tokyo Disneyland na patok sa bata at matanda. 

Kasama ng CongTViy couple ang grupo nina Bob Nicolas, Nice Print Photography, at ang beteranang makeup artist na si Mariah Santos upang isakatuparan ang kanilang dream Japan prenup photoshoot. 

Para sa kanilang unang tema, inilabas nina Cong at Viy ang kanilang “child-like” attitude at talaga namang nag-enjoy sa Disneyland. Nakisayaw pa ang mga ito sa Disneyland parade dancers. 

Kinabukasan, nag transform naman ang soon-to-wed couple bilang Japanese students suot ang kanilang classic uniform. 

“Kung estudyante kami ni Viy, si Viy kumbaga sa ano para siyang first year college. Tapos ako sampung taon na sa college,” biro ni Cong TV.

Animo’y nasa isang Japanese drama ang dalawa sa mga kinuhaan nilang eksena na mas lalo pang gumanda dahil sa ganda ng tanawin sa nasabing bansa. 

“Uy, pang pelikula!” reaksyon ni Cong TV matapos silipin ang kanilang kissing-scene. 

Habang nasa gitna ng photoshoot, hindi rin maiwasan ng dalawa na magbalik tanaw sa kanilang relasyon. 

“Kung nakita mo yung mukha ko, tapos hindi ako nagva-vlog, tingin mo magugustuhan mo ko?” tanong ni Cong. 

“Syempre hindi!” pabirong sagot ni Viy. 

Team Payaman Moto Club in Japan?

Samantala, dahil sa kagustuhang makapag motor pa rin sa ibang bansa, sinikap ni Cong TV na makakuha ng lisensya para makapag maneho ng motorsiklo sa Japan. 

Namili rin ito ng ilang motorcycle gears na masusuot niya sa oras na magrenta ito ng motorsiklo sa paglibot sa Japan. 

Pero kahit kumpleto na ang kanyang mga gamit, tila nangungulila pa rin ang Team Payaman Moto Club Chairman sa kanyang mga kasamahan. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

13 hours ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

23 hours ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

2 days ago

A Little Magic, A Lot of Heart: How Purple Hearts by Love Kryzl Brings Its Brand to Life Through Halloween

Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…

2 days ago

This website uses cookies.