Aki Angulo Brings Viewers To Her First International Travel Blog in Bali, Indonesia

Isang buwan matapos ang bakasyon sa Bali, Indonesia, ginulat ng fiancé ni Burong na si Aki Angulo ang kanyang mga taga-suporta sa kanyang unang international travel vlog.

Hatid ngayon ni Aki ang detalyadong point-of-view nito mula sa out-of-the-country birthday celebration ng kanyang soon-to-be husband.

Off to Bali

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Aki Angulo ang mga naging paghahanda nito sa patungong Bali, Indonesia kasama ang fiancé na si Aaron Macacua, a.k.a Burong.

Una niyang inihanda ang kanilang bagahe, mula sa kanyang mga two-piece swimsuits hanggang sa mga OOTD ni Burong.

Alas-una pa lang ng umaga ay lumarga na ang dalawa papuntang airport matapos ihatid ng kanilang mga kasamahan sa Congpound.

Paglapag ay diretso pamamasyal na ang dalawa dahil ayaw anilang may masayang na araw sa kanilang bakasyon.

Iba’t-ibang mga pook at mga kainan ang nilibot ng BurAki na talaga namang lalong nagpasaya sa kanilang Bali trip.

Pagkatapos ng kanilang unang destinasyon ay namili lang ng ilang grocery items at dalawa at umuwi na sa kanilang hotel accomodation.

Bali Here We Go!

Kinabukasan, nilibot ng dalawa Kelingking Beach kung saan matatagpuan ang makapigil-hiningang view.

Sunod nilang binisita ang ilan sa mga makasaysayang templo sa Bali at nagbigay pugay bilang simbolo ng kanilang respeto.

Sabay ring sinalubong ng dalawa ang kaarawan ni Burong habang nanonood sa magandang tanawin hatid ng Bali.

“Hi love, happy birthday! ‘Bat parang ang init ng ulo mo?” pabirong tanong ni Aki.

Paliwanag pa nito: “We are also celebrating our 3rd anniversary here in Bali, Indonesia. Pangarap ko’ng makapunta ng Bali sobrang perfect ng timing. Saya kasi kasama ko s’ya!”

Ayon sa mag nobyo, hindi naman gaanong kabigat sa bulsa ang pagbabakasyon sa Bali dahil maraming mga pook at kainan dito na abot kaya at sulit sa budget.

Para naman sa kanilang huling araw, namili sina Aki at Burong ng mga souvenirs na pasalubong para sa mga kaibigan at pamilya.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

16 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

2 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.