Fan Personally Delivers Customized Helmet to Cong TV! This Was His Reaction…

Naging usap-usapan sa social media ang custom-made helmet na ginawa ng isang fan at kapwa content creator ni Cong TV na si Jose Guanzon. 

Sa ikalawang episode ng misyon ni Jose, personal nyang iniabot ang nasabing regalo na naisakatuparan din sa tulong ng artist na si Guhit Jes.

Ano nga kaya ang naging reaksyon ni Cong TV sa customized helmet?

The Backstory

Una nang Ibinahagi ni Jose Guanzon ang pinagmulan at proseso ng paggawa nito ng customized helmet para sa iniidolong si Cong TV.

Dahil nahihilig sa pagmomotorsiklo ang Team Payaman Headmaster, naisipan ni Jose na saktong sakto ang helmet bilang regalo dito.

Aniya, tiyak na matutuwa ang 31-anyos na vlogger sa kanyang naisipang regalo dahil sa kakaiba ang disenyo nito.

Ibinahagi rin nito na nakipagtulungan sa kanya ang sikat na mangguguhit sa social media na si Guhit Jes na taga-suporta rin ni Cong TV.

It’s Time!

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi muli ni Jose Guanzon ang mga kaganapan sa likod ng pagbigay ng regalo kay Cong TV. Naghanda aniya s’ya ng tatlong plano kung paano maibibigay ang nasabing helmet kay Cong. 

Ang plan A ay ang magparinig sa social media gamit ang kanyang video at hintayin kung ito ba ay  mapapansin ni Cong. 

Umabot na ng 5-million views ang kanyang video ngunit hindi pa rin ito napapansin ni Cong TV at ng ibang Team Payaman members.

Samantala, ang kanyang Plan B naman ay puntahan si Cong TV sa Congpound. Ngunit pangamba nito na hindi sila papapasukin dala ng mahigpit sa seguridad ng naturang vlogger.

Kaya naman naghanda ito ng kanyang Plan C na iwan ang helmet sa guard at pakisuyuan itong iabot na lang sa kanyang idolo.

Laking tuwa ni Jose nang papasukin ito ng guard at hindi maitago ang pananabik na makadaumpalad si Cong TV dala ang kanyang regalo.

Cong TV’s Reaction

Una nitong nakausap si Carding na agad ring tinawag si Cong TV. Maya maya pa ay personal nang lumabas si Cong TV dala ang kanyang motorsiklo at saka inabot ni Jose ang kanyang regalong helmet.

Laking gulat nito nang hindi man lang umimik si Cong matapos iabot ang kanyang regalong helmet. Hindi alam ni Jose na pinagtripan lang naman s’ya ng nag-iisang Cong TV. 

“Mah men! Ganda nito bro! Ganda ah, saktong sakto sa akin” reaksyon ni Cong.

Pinapasok rin ng TP Headmaster si Jose para bigyan ng tour sa loob ng Congpound at upang ipakita ang kanyang mga koleksyong gamit pang-motor.

“Na-appreciate ko talaga, promise! Maraming salamat sa helmet, Jose. Nice to meet you and sana magtagumpay ka!” mensahe ni Cong sa taga-suporta.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.