Labis na hinangaan ng netizens ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar matapos ibahagi ang pinagdaanan sa panganganak.
Ilang araw na ang nakakalipas nang ipakilala ng mag-asawang Boss Keng at Pat Gaspar ang unico hijo na si Isla Patriel sa kanilang manonood. Kasabay nito ay ibinahagi rin ng dalawa ang mga pinagdaanan bago tuluyang ipanganak si Isla.
Sa vlogs ng Team Payaman couple, ipinakita nina Pat at Keng kung paano nila hinarap ng magkasabay ang mga huling sandali bago tuluyang makita si Baby Isla.
Ipinasilip din ng mag-asawa ang ilang bahagi ng pala-labor ni Pat, kung saan makikitang iniinda nito ang sakit habang humihilab ang tiyan.
Emosyonal din ang tagpo sa loob ng delivery room at kitang kita kung paano sinuportahan ni Boss Keng ang kanyang misis habang nasa gitna ng panganganak.
Hindi rin napigilan na bumuhos ang emosyon nang lumabas na si Isla na talaga namang pinagtulungan ng buong medical team.
Saludo naman ang ilang Team Payaman fans sa pinagdaanan ng mag-asawang Boss Keng at Pat Gaspar. Nagpasalamat din sila sa pagbabahagi ng makatotohanang “birth story” na talaga namang nakakaantig ng puso.
@sapovnela5236: “Mas lalo akong naging grateful sa buhay ko, sa nanay ko. Grabeng sakripisyo ng isang ina. Salamat po sa pagpaparealize sa maraming tao kung gaano kahirap magluwal ng isang bata.”
@mybermariepaclipan3739: “Of all the birthing videos of the Payaman girls, this is the most realistic, very raw. We are brought into the critical stage of birthing. It’s as if we are simulated with Pat on how it feels while giving birth. The excitement, the pain, and satisfaction. Congratulations, Pat and Keng.”
Samantala, ang ibang mommy naman ang sinariwa ang kanilangan panganganak matapos mapanood ang vlog ng mag-asawa Habang ang ibang daddy naman ay naka-relate sa pinagdadaanan ni Boss Keng.
@jeffrendellmonzon712: “My wife gave birth to our daughter last July 5, and I relate to BK. Yung wala kang magawa for your wife kahit nakikita mo syang nasasaktan at nahihirapan Kaya kudos to all mommies out there, saludo ako sa lakas ng loob nyo. Kahit sobrang sakit, tiniis nyo for the sake of our babies.”
@mariafatimadiego1465: “I got teary eyed parang naramdaman ko ulit yung hirap ng panganganak at yung sarap nung makita mo na yung baby. God bless you mommy and daddy.”
Watch Pat and Keng’s vlogs below:
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…
Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…
Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…
This website uses cookies.