Funny Hidden Messages Behind Cong TV’s Anime-Inspired Japan Travel Vlog

Kamakailan lang ay umani ng papuri mula sa netizens ang anime-inspired Japan travel vlog ni Cong TV. Hinangaan din ng mga manonood ang malupit na editing ng nasabing vlog na pinagpaguran ng video editor nitong si Ephraim Abarca. 

Ngunit alam nyo ba na mayroon palang mga nakatagong mensahe si Eph sa likod ng mala-anime nyang obra? Samahan nyo kaming alamin ang mga ito, mga kapitbahay!

Ginalingan!

Inilabas na ni Cong TV ang kanyang pinaka-aabangan na Japan travel vlog. Dito ipinakita ni Cong ang pamamalagi nila ni Viy Cortez sa Osaka, Japan. 

Samantala, sa isang Facebook post, inamin ng video editor ni Cong na muntik na niyang maiwala ang mamahaling camera ng batikang vlogger, kaya naman ginalingan niya sa pag-eedit ng nasabing vlog. 

Umani ng kaliwa’t-kanang papuri ang nasabing vlog dahil sa malupit na editing na nag mistulang anime kung saan bida mismo sina Cong at Viy. 

Sa kasalukuyan ay umani na ng 2.2 million views ang “Nosakai” vlog ni Cong TV, at nanatali ito sa Top 3 trending spot ng YouTube Philippines. 

Hidden Messages

Talaga namang mapapa-wow ka sa mala-anime na vlog ni Cong TV. Tunay na nakakamangha ang editing skills na iginugol dito ni Ephraim Abarca. 

Pero kung susuriing mabuti, mayroong mga nakatagong mensahe ang editor ni Cong para sa mga manonood. 

Kung titignan mabuti, ang mga tila Japanese characters sa intro ng nasabing video ay random letters lang pala. 

“Sa wakas after one month may upload din, ano po!” ani Eph sa isang frame kung saan nasa gitna ng pedestrian crossing ang Cong TViy couple . 

“Gawa lang to ng AI. Well para siyang filter pero grabe ba!” dagdag pa nito. 

Sa iba pang text ay hindi maitago ni Eph ang pagkamangha niya sa ganda ng Japan. 

“Iba din talaga ang aesthetic ng Japan.”

Low key din itong nag promote ng limited edition Team Payaman x AquaFlask collaboration ni Cong TV. 

“Nga pala guys, bili kayo AquaFlask, di ko nga lang alam san link.”

 “Gumawa din kami commercial ng AquaFlask sa Japan!”

Check out the other hidden messages (that our team already translated) from Cong’s genius video editor:

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

18 hours ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

7 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

1 week ago

This website uses cookies.