Categories: Uncategorized

Pat Velasquez-Gaspar Gets Praise for Sharing ‘Realistic Birth Story’ Vlog

Labis na hinangaan ng netizens ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar matapos ibahagi ang pinagdaanan sa panganganak.

Ilang araw na ang nakakalipas nang ipakilala ng mag-asawang Boss Keng at Pat Gaspar ang unico hijo na si Isla Patriel sa kanilang manonood. Kasabay nito ay ibinahagi rin ng dalawa ang mga pinagdaanan bago tuluyang ipanganak si Isla. 

Isla Birth Story

Sa vlogs ng Team Payaman couple, ipinakita nina Pat at Keng kung paano nila hinarap ng magkasabay ang mga huling sandali bago tuluyang makita si Baby Isla. 

Ipinasilip din ng mag-asawa ang ilang bahagi ng pala-labor ni Pat, kung saan makikitang iniinda nito ang sakit habang humihilab ang tiyan. 

Emosyonal din ang tagpo sa loob ng delivery room at kitang kita kung paano sinuportahan ni Boss Keng ang kanyang misis habang nasa gitna ng panganganak. 

Hindi rin napigilan na bumuhos ang emosyon nang lumabas na si Isla na talaga namang pinagtulungan ng buong medical team. 

Netizens’ Applause

Saludo naman ang ilang Team Payaman fans sa pinagdaanan ng mag-asawang Boss Keng at Pat Gaspar. Nagpasalamat din sila sa pagbabahagi ng makatotohanang “birth story” na talaga namang nakakaantig ng puso. 

@sapovnela5236: “Mas lalo akong naging grateful sa buhay ko, sa nanay ko. Grabeng sakripisyo ng isang ina. Salamat po sa pagpaparealize sa maraming tao kung gaano kahirap magluwal ng isang bata.”

@mybermariepaclipan3739: “Of all the birthing videos of the Payaman girls, this is the most realistic, very raw. We are brought into the critical stage of birthing. It’s as if we are simulated with Pat on how it feels while giving birth. The excitement, the pain, and satisfaction. Congratulations, Pat and Keng.”

Samantala, ang ibang mommy naman ang sinariwa ang kanilangan panganganak matapos mapanood ang vlog ng mag-asawa Habang ang ibang daddy naman ay naka-relate sa pinagdadaanan ni Boss Keng. 

@jeffrendellmonzon712: “My wife gave birth to our daughter last July 5, and I relate to BK. Yung wala kang magawa for your wife kahit nakikita mo syang nasasaktan at nahihirapan  Kaya kudos to all mommies out there, saludo ako sa lakas ng loob nyo. Kahit sobrang sakit, tiniis nyo for the sake of our babies.” 

@mariafatimadiego1465: “I got teary eyed  parang naramdaman ko ulit yung hirap ng panganganak at yung sarap nung makita mo na yung baby. God bless you mommy and daddy.”

Watch Pat and Keng’s vlogs below:

Kath Regio

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

2 days ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

3 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

3 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

3 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

3 days ago

This website uses cookies.