Cong TV Challenges Himself to a Bucketlist Mission in Japan

Isang hamon para sa sarili ang hinarap ni Cong TV habang nasa bakasyon sa Japan kasama ang buong pamilya. 

Dahil sa kagustuhang makapag motorsiklo sa labas ng Pilipinas, minabuti ng 31-anyos na YouTube vlogger na gawing top mission ang nasabing karanasan. 

Pero bago tuluyang matupad ang “Japan motorcycle ride,” kailangan muna nitong matupad ang ilang bucketlist na ibinahagi nito sa kanyang bagong vlog

Priority checklist

Paglapag pa lang sa Osaka, Japan ay tinanong na agad ni Cong TV ang bus driver kung maaring magrenta ng motorsiklo ang mga turista gaya niya. 

Laking tuwa nito nang malamang makaka-renta siya ng hanggang 400 CC na motor na maaring imaneho sa nasabing bansa.

“Dito pinaka magandang mag motor!” ani Cong TV.

Pero bago tuparin ang pangarap na makapagmotor sa ibang bansa ay inuna muna ni Cong ang kanyang pamilya. Kaya naman gumawa ito ng “bucket list” na tinawag niyang “Priorities Bago Mag Motor.”

“Pag inuna ko yung motor, anong sasabihin sa’kin ni Viy? ‘Mukha na kong motor!’” pagtatanto ng batikang vlogger. 

“Eh di away yon? Pangit yon, bad vibes yon!” dagdag pa nito. 

Kabilang sa kanyang priority checklist ay ang masaulo ang traffic rules sa Japan, maigala ang anak na si Kidlat, at mai-date ang fiance na si Viy Cortez para sa kanilang monthsary. 

Mission accomplished?

Para matupad ang kanyang unang misyon, minabuti ni Cong na libutin ang Japan sa pamamagitan ng pagbibisikleta. 

Kinabukasan ay isinama naman nito ang buong pamilya sa Universal Studios sa Osaka, Japan upang magawa ang kanyang ikalawang misyon na ipasyal si Kidlat. 

Nakapag date rin sa Japan ang YouTube power couple at talaga namang sinulit ang kanilang quality time. 

Matapos maisakatuparan ang unang tatlong misyon, tila bigo si Cong TV na makapag motorsiklo. 

Matutupad pa nga kaya nito ang kanyang pangarap sa pagpunta nila sa Tokyo?

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.