Junnie Boy Tries to Scare Son Mavi With ‘Sleepwalk Prank’

Matapos ang kanilang biyahe sa norte at pagbisita sa sikat na Manaoag Church sa Pangasinan, naisipan ni Junnie Boy na lokohin ang anak na si Mavi.

Nabiktima nga kaya ang panganay ng mag-asawang JunnieVien sa sleepwalk prank ni Daddy Junnie?

The Mavi Prank

Sa bagong vlog ni Junnie Boy, ibinahagi nito ang nakakatawang prank para sa unico hijo nitong si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi.

Matapos kasi ang long ride nilang mag-asawa, nais sana niyang magpahinga ngunit naisip muna nitong pagkatuwaan ang anak sa isang sleepwalk prank.

“Matutulog ako tapos sasabihin ko kay Vien na bantayan ako ni Mavi, tapos mag-sleepwalk tayo!” ani Junnie Boy.

Excited aniya syang makita ang magiging reaksyon ni Mavi kung ito ba ay matatakot o mag-aalala.

Nang tanungin ni Daddy Junnie si Mavi kung game ba itong bantayan siya sa kanyang pag-tulog, walang pagdadalawang isip na tinabihan ni Mavi ang kanyang ama. 

“Bakit ka matutulog?” tanong ni Mavi. 

Sagot naman ni Junnie: “Eh inaantok si Daddy. ‘Di ba nag-motor kami ni Mommy?”

“Higa ka sa akin” dagdag ni Mavi.

Mavi’s Reaction

Maya maya pa ay nagpanggap nang tulog si Junnie dahilan upang malinlang na nito ang kanyang anak.

Noong una ay abot tenga pa ang ngiti ni Mavi nang makitang biglang bumangon ang kanyang ama mula sa mahimbing na pagkakatulog. 

Maya maya pa ay tumakbo na ito sa kanyang Mommy Vien at humingi ng tulong.

“Mommy? Look at dad! He’s sleep walking! Mommy, look!” sigaw nito.

Walang nagawa si Mommy Vien kundi pigilan ang kanyang tawa upang hindi mabuko ang prank ni Junnie.

“Daddy, bakit ka kasi nag-sleepwalking?” duda ni Mavi.

Sagot naman ng kanyang Daddy:  “Siguro because I’m too tired.”

Pagbalik ng kama, sinubukan muli ni Junnie na lokohin ang anak sa ikalawang pagkakataon.

Dito na tuluyang natakot si Mavi at nagtago sa banyo kasama ang kanyang Mommy Vien.

“Daaa! Hindi na ako matutulog pag nag-sleepwalking ka! ‘Di s’ya nakikinig sa akin!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

19 hours ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

2 days ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

3 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

4 days ago

This website uses cookies.