Team Payaman Welcomes Newest Member, Baby Isla Patriel

Masayang sinalubong ng buong Team Payaman ang pinaka bagong adisyon sa kanilang lumalaking pamilya. Ito ay ang panganay nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Baby Isla Patriel. 

Ipinanganak ni Mommy Pat si Baby Isla via normal delivery noong July 8, 2023, sa Asian Hospital Medical Center sa Alabang. 

Kanya-kanyang pagbati naman ang bawat miyembro ng Team Payaman sa mga bagong Mommy at Daddy pati na sa kanilang bagong “batuting” sa Congpound. 

Baby Isla Sneak Peak

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ni Boss Keng ang unang pasilip sa larawan ng kanilang panganay. 

Ipinakita nito ang napaka-cute na ilong ni Isla, sabay bati sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar. 

“Isla Boy, love you! Mommy Pat Velasquez – Gaspar, love you!”

Sa kasunod na post sa social media, ipinakita naman ni Boss Keng ang labi ng kanilang unico hijo.

Team Payaman Grand Welcome

Hindi naman pinalampas ng ilang Team Payaman member ang pagkakataon na salubungin ang pinakabatang miyembro ng kanilang grupo. 

Kanya-kanyang post sa social media ang tropa bilang pagbati kay Isla, at pagsaludo na rin sa ligtas na panganganak ng first-time mom na si Pat. 

“So proud of you sis. Ang galing mo. Andito na si Isla, ang matagal niyong hinintay ni Keng. Ang swerte ni Isla sainyo. Magpalakas ka sis. Mahaba habang puyatan na yan, pero sobrang worth it. Sobrang saya. Congratulations, @patislol and @bosskengkeng,” ani Vien Iligan-Velasquez sa isang Instagram Story. 

Pabiro ding nagkaroon ng “face reveal” si Isla sa is pang post ng misis ni Junnie Boy

“We love you, Isla! Dahil bawal pa ilabas ang picture mo, eto nalang muna tutal little keng ka naman.”

Samantala, ibinahagi naman ni Kevin Hufana ang labis na paghanga matapos makaraos sa ligtas na panganganak ang kanyang kaibigan.

“Posting this kasi gusto ko sabihin sa’yo babe na proud na proud ako sa’yo!!!!!! Napakagaling mong babae! Umasa ka na mamahalin ko si Isla ng buong-buo.’

Biro pa nito: “Sobrang lodi ko rin yung Glam Central Salon and Spa By Pat & Keng kasi nanatiling tirik yung lashes mo after ng magdamag mong labor. Hahahaha!”

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.