Kamakailan lang ay naharap sa isang hindi inaasahang aksidente ang Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a Mentos.
Buong tapang na ibinahagi ni Mentos sa kanyang vlog ang sinapit sa hindi malilimutang pangyayari sa kanyang pagmomotorsiklo.
Habang nasa gitna ng motorcycle ride kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club, sinapit ni Mentos ang hindi inaasahang aksidente.
“Parang na-out of control s’ya sa bilis ng takbo n’ya!” kwento ni Yow.
Ayon sa kanyang mga kasamahan, kinabahan at natakot sila sa sinapit ng kanilang kaibigan lalo pa’t hindi biro ang naging pagbagsak ni Mentos.
“Syempre natakot [ako], kinabahan para sa kaligtasan n’ya,” ani Cong TV.
Payo naman ng miyembrong si Awi Columna, lumapit sa checkpoint kung sakaling kailangang tumawag ng ambulansya o rescue.
Samantala, ayon kay Mentos, minabuti n’yang mauna sa kanyang mga kasamahan upang makapagpahinga pa kahit kaunti dala ng pagod ng pag-alis ng maaga.
Idiniin nito na maingat naman siyang nagmamaneho at madalas na n’yang nadadaanan ang nasabing lugar kung saan nangyari ang aksidente.
Aniya, “Iniisip ko that time, paano ko s’ya mababawi? Kasi unpredictable eh! Parang sabi ko sa sarili ko ay parang bago sa akin ‘to ah?”
Idinagdag pa ni Mentos na sa tagal na niyang nagmo-motor, nakaranas na raw ito ng iba’t-ibang klase ng aberya sa pagmamaneho gaya ng wobble at fishtail, kung kaya’t hindi nito inasahan ang sinapit na aksidente.
“Tinry ko ‘yung best ko na mabawi s’ya pero hindi na talaga kinaya. Sabi ko sa sarili ko, bigay ko na ‘to, bigay ko na. So nung malapit na ako sa gutter, ‘dun ako nag-decide na ibato na ‘yung motor,” kwento nito.
Matapos ikwento ang buong pangyayari, ibinahagi rin ni Mentos ang kanyang mga ginagawa upang tuluyang magpagaling.
Sumailalim aniya siya sa CT scan, ultrasound, at pagkarami-raming X-Ray examination upang masilip kung mayroon bang dapat pagtuunan ng pansin sa kanyang katawan.
Laking pasasalamat nito nang ideklara ng doktor na walang dapat ikabahala si Mentos dahil walang namang komplikasyon sa kanyang katawan.
“Gusto ko lang sabihin na okay ako. Ayoko lang rin na mag-alala ‘yung mga nagp-pm sa akin.”
Sa ngayon ay kasaluluyan pa ring nagpapagaling ang Haring Bangus owner upang makabalik na sa kanyang trabaho.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.