Namangha ang mga netizens sa huling vlog ni Dudut Lang, kung saan makikita kung paano nakapagmanaho ng manual na motorsiklo ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club.
Isiniwalat ni Bok sa kanyang bagong vlog ang naging pagsasanay nito sa paggamit ng manual na motor sa tulong ni Dudut.
“Rain or shine, ride kung ride!” ‘
Yan ang bagong life motto na pinaniniwalaan ni Bok dala ng kanyang pagbyahe at pamamasyal gamit ang motorsiklo.
Inamin din ng Team Payaman vlogger na tila nagiging bisyo na niya ang pagmomotorsiklo dahil sa madalas nilang paglilibot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
Sa nasabi ring vlog ay isiniwalat ni Bok ang katotohanan sa likod ng kakaibang panaginip at kapangyarihan ni Dudut.
Base kasi sa huling vlog ni Dudut, isang araw ay nagkaroon na lang siya ng kakaibang abilidad kung saan biglaang natututong magmanaho ng manual na motorsiklo ang sinumang mahawakan nito.
Kabilang sa mga diumanoy nakinabang sa kanyang kapangyarihan ay sina Yow, Jude, at Bok. Pero sa vlog ni Bok ay ibinuking nito ang katotohanan na si Dudut mismo ang nagturo sa kanilang magmaneho.
“So ‘yun, practice practice lang. Practice lang ng clutch, pero tinatamad na ako mag-clutch eh!” ani Bok.
Matiyaga itong tinuruan ni Dudut mula sa pagbubukas ng makina hanggang sa pagmamaneho gamit ng clutch.
Mabilis din naman nitong natutunan ang mga technique sa pagmamaneho ng manual na motor, na ayon kay Bok ay kanilang magagamit sa ibang pagkakataon.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.