Tampok ngayon sa bagong vlog ni Junnie Boy ang ilan sa mga karanasan nito matapos ang Taiwan trip kasama ang ilang Team Payaman members.
Ibinahagi rin nito ang ilan sa mga dapat abangan ng mga gamers and laptop enthusiasts sa mga makabagong produkto ng Acer Predator.
Dahil hindi nakasama ang editor ni Junnie Boy na si Brylle Galamay, a.k.a Bods, iniraos nito ang pag-vivideo ng kanyang sarili habang nasa Taiwan.
Ibinida ni Junnie Boy na kanyang pagsisikapan na mabigyan ng magagandang kuha ang kanyang editor para sa kanyang Taiwan vlog.
“Nakikita ko kasi sa comments ‘Ang galing ni Bods! Ang galing ng shot shot,’ ganyan. Ngayon ang gagawin ko dito sa Taiwan, Taipei, magmo-montage lang ako. Ngayon Bods, ikaw na bahala mag-edit!” bungad nito.
Hindi naman napigilang matawa sina Yoh at Boss Keng sa ibinida ni Junnie Boy patungkol sa kanyang vlogging skills.
“Kung talagang magaling ka, ikaw na mag-edit,” hamon ni Boss Keng.
Hinamon din ni Yoh ang kaibigan na huwag tignan ang kanyang mga shots mula sa viewfinder ng camera, na agad ding kinasahan ni Junnie.
Napagtagumpayan naman ni Junnie Boy ang pagsubok nito sa mga pagkuha ng mga mala-cinematic na clips ala Bods.
Samantala, hindi rin nito pinalampas na matikman ang ramen ng Taiwan na ayon kay Junnie ay isa sa pinakamasarap na noodles na natikman n’ya.
Isa sa mga rason ng paglipad ng Team Payaman patungong Taiwan ay ang kanilang partnership kasama ang Acer Predator.
Ipinakilala nina Junnie Boy ang mga bagong produktong ng Predator na kauna-unahan nilang nasubukan sa Taiwan.
Muli ring binalikan ni Junnie ang kanyang mga pinromote na produkto mula sa Acer noong nagsisimula pa lamang ang karera nito bilang vlogger.
“Naalala n’yo, wayback 2020, ito ‘yung mga pinropromote namin dati na laptop,” kwento nito.
Watch the full vlog below:
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…
Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…
Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…
Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…
Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…
This website uses cookies.